Advance mag-isip: Anak na inunahan ang kanyang ina sa salubong na sermon kinaaliwan

Mga larawan mula sa Facebook account ni Ezekiel Caldito

Ipinagdiwang ng buong mundo ang kadakilaan ng mga “Ilaw ng Tahanan” o Mothers’ Day sa iba’t ibang paraan noong Mayo 12, 2019.

Kanya-kanyang post ang mga netizens sa social media na nagpapakita kung paano nila ipinamalas at ipinaramdam sa kanilang mga dakilang ina ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal.

Kaugnay dito, kinaaliwan sa Facebook ang video ng isang anak na inunahan ang sermon ng kanyang ina.

Batay sa kuhang video ng mismong anak na si Ezekiel Caldito, siya na mismo ang nagsabi ng mga litanyang dapat ay manggagaling sa kanyang inang naghihintay sa kanyang pag–uwi. Advance mag–isip!

Larawan mula sa Facebook account ni Ezekiel Caldito

“Bakit ngayon lang ako umuwi… hindi mo ba alam na merong naghihintay sa ‘yo, ah… Late ka na umuwi, ha, umaga na. Talagang ginagalit kita ah… “

Habang nagsasalita ang anak, makikitang nakangiting hinahampas–hampas siya ng kanyang ina.

“Lumayas na talaga ako rito, lumayas na ako… aray… aray… aray…”

Kinaaliwan at good vibes naman dito ang mga netizens at nag–iwan ng iba’t ibang positibong komento, lalo na sa relasyong ipinakita ng mag–ina sa video.

“Yung naiingit ka sa mga ganitong eksena. Kasi ako, hindi ko man lang naranasang sermunan ng nanay kapag umaga na ako nakakauwi kasi nasa abroad siya simula bata pa ‘ko. Yung bawat sandali na may sasalubong sa ‘yo kapag lasing na lasing ka na. Hay swerte niyo naman.”

“Yung feeling ikaw na yung sumesermon sa sarili mo tapos yung mama mo nag–eenjoy sa pagsuntok sa ‘yo.”

“Napakasarap naman ng may nanay. Nakaka–miss… sana nasulit ko rin yung moments namin ng mother at father ko.”

Samantala, nagpasalamat naman si Ezekiel sa mga natuwa sa kanyang Facebook post.

“HAHAHAHAHA hanggang ngayon tawang–tawa pa rin ako. Hindi ko akalaing magte–trending ka, Ma! Sorry na. Uuwi na ako nang maaga. Inumaga lang talaga ako kahapon. Salamat sa mga nag–shares, likes, comments at natuwa. Good vibes lang! Labyu Ma!”

Umabot na sa halos 500,000 views at mahigit 12,100 shares ang naturang video. I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang ito:

Larawan mula sa Facebook account ni Ezekiel Caldito