Yaman ni Duterte ipaliliwanag sa tamang panahon

Imahe mula sa RTVM video via You Tube

Ipaliliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang yaman sa tamang panahon.

Ang pahayag na ito ni Duterte ay kasunod ng mga ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) tungkol sa statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) ng Pangulo.

Ayon sa  PCIJ, ang Pangulo at mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay patuloy umanong yumayaman sa kabila ng kanilang sahod bilang mga opisyal ng gobyerno at napananatili ang kita ng mga kumpanyang  pag-aari at kasosyo.

“Well, sabihin ko sa inyo in due time. Mayaman? Taguin ko. Bakit ko sasabihin sa inyo kung saan ko nailagay? G*** pala kayo eh. May tao ba rito… ma-holdap pa tayo. May pera? May pera ako, ani Duterte.

Screenshot mula sa video ng PTV

Ayon sa ulat ng PhilStar, ang net worth ni  Duterte ay tumaas ng 195% mula P9.69 milyon noong 2007 hanggang P28.54 milyon nitong 2017. Ang net worth naman ni Paolo ay tumaas ng 233% mula P8.34 milyon hanggang P27.74 milyon  dalawang taon na ang nakalilipas; habang ang kay Sara ay tumaas ng 518% mula P7.25 milyon hanggang P44.83 milyon.

Sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, government employees and officials—tulad ng Pangulo na “to accomplish and submit declarations under oath of, and the public has the right to know, their assets, liabilities, net worth and financial and business interests including those of their spouses and of unmarried children under 18 years of age living in their households.”

“You know I’ve been mayor for 23 years, I’ve been a prosecutor for nine years, I’ve been in the practice of law four years before that, and I never lost in an election until the presidency. Pero kung magsabi ninyo… Look at their trash. I do not have transactions in government,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na ang ulat ng PCIJ ay ‘basura’ mula sa oposisyon.