Xian Lim, may sweet b-day message kay Kim Chiu na makakasama rin niya sa bagong teleserye




Screenshot ng Instagram post ni Xian Lim

Sa pagdiriwang ng ika-30 kaarawan ni Kim Chiu noong Biyernes, Abril 19, nagpost sa Instagram ng sweet birthday message ang kaniyang boyfriend na si Xian Lim.

“Happy birthday to this beautiful person,” pambungad na mensahe ni Xian.

Inalala ng aktor ang unang pagkakataon na nakilala niya ang dalaga noong 2009. Sinariwa rin niya kung paano siya na love at first sight sa dalaga nang makita ang isa sa mga billboard ng aktres noon.

Imahe mula sa Instagram / Kim Chiu

“We first met about 10 years ago and I remember seeing one of your billboards while driving and I remember saying to myself… ‘siguro ang sarap mahalin ang isang katulad mo,’” patuloy ni Xian.

Ang mensahe ay may mga kalakip na larawan ng dalawa na kasalukuyang magkasamang nagbabakasyon sa Taiwan.

“True enough, we started working together and I fell in love with you right away. I think it’s safe to say we fell in love with each other right away,” dagdag pa ng young actor.

Sina Xian Lim at Kim Chiu ay unang nagtambalan noong 2011 sa ABS-CBN teleserye na “My Binondo Girl.” Mula noon, napabalita nang magkarelasyon ang dalawa ngunit hindi nila ito agad inamin.

Gayunman, nang mag-guest si Kim sa “Tonight with Boy Abunda” na iniere noong Nobyembre 2018 ay inamin na ito ng dalaga.

Samantala, pinuri din ni Xian ang kagandahang-loob ni Kim at sinabing: “Keep being you because we see an awesome person that is brought in this world for a great reason. Keep inspiring the people around you and stay beautiful inside out.”

Screenshot mula sa Instagram ni Xian Lim

“I love you and happy birthday, Petunia,” pagwawakas ni Xian.

Magbabalik-tambalan naman ang dalawa sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang “Love Thy Woman.” Makakasama nila rito sina Christopher de Leon, Sunshine Cruz, at Erich Gonzales na ang kuwento ay iikot sa isang Filipino-Chinese family.

Nasa cast din sina Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez, at Jennifer Sevilla.

Sa isang interview, sinabi ni Kim na habang nagbabakasyon sila ni Xian sa China noong Disyembre 2018, nabanggit niya sa boyfriend na “parang ang sarap gumawa ng project na Chinese ‘yung story.”

At nitong Pebrero 2019 nga ay ini-offer sa kanila ang bagong teleseyerye.