Former girlfriend ni Charice Pempengco, nagpabilib sa Idol Philippines




Screenshot mula sa YouTube video ng ABS-CBN

Gumawa ng ingay ang pangalan noon ni Alyssa Quijano nang aminin ng dating nobya na si Charice Pempengco na mas kilala na ngayon bilang Jake Zyrus ang kanilang relasyon.

Ngunit nito lamang Abril 28, muling napag-usapan si Quijano hindi dahil sa isang kontrobers1ya, kung hindi dahil napabilib niya ang mga hurado at manonood ng reality singing competition na ‘Idol Philippines.’

Ayon sa kuwento ng 26 anyos na si Quijano bilang background story ng kanyang audition, habang magkarelasyon umano sila ni Pempengco, marami siyang naisakripisyo kabilang na ang kanyang pag-aaral at pag-awit.

Screenshot mula sa YouTube video ng ABS-CBN

“Right now, tinatapos ko po ‘yung med1cal technology course ko kasi nag-stop po ako. Well, that time po kasi, na-in love ako sa isang singer din na katulad ko and kilala rin po siyang singer,” sabi ni Quijano nang kapanayamin ng isa sa mga judge na si Regine Velasquez bago siya umawit.

Ibinulgar naman agad ni Quijano kung sino ang sikat na singer na tinutukoy niya, sabay kuwento ng mga pinagdaanan nila ng karelasyong si Pempengco na nauwi rin sa hiwalayan matapos ang apat na taon.

“Marami akong na-sacrifice doon sa relationship namin. Kasi I stopped singing. Nawala ‘yung Alyssa na kilala ko. I was just giving my all na parang nakalimutan ko na iyong sarili ko,” dagdag ni Quijano.

Ngunit humantong man sa hiwalayan ang relasyon ng dalawang singer, sinabi naman ni Quijano na marami silang natutuhan sa kanilang mga pinagdaanan.

Ang muling pagsali niya sa isang singing competition ay senyales daw ng muli niyang pagtupad sa kanyang naudlot na mga pangarap.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Inawit niya ang ‘Araw Gabi’ ni Velasquez at napahanga ang mga huradong sina Velasquez, Vice Ganda, James Reid, at Moira dela Torre na nagresulta ng apat na ‘yes’ at magpapatuloy sa next round ng kompetisyon.

Bago naging magkarelasyon, nagkakilala sina Pempengco at Quijano sa isang reality show din kung saan hurado si Pempengco at contestant naman si Quijano at napasama sa grupong AKA JAM.

Kapwa mayroon nang karelasyon sina Pempengco at Quijano. Sa katunayan, kasama ni Quijano sa nasabing audition ang kanyang nobyo.