Whatever it takes! Mga moviegoers, nagtakbuhan sa isang mall sa Butuan sa pagbubukas ng “Av3ngers: Endgame”




Mga larawan mula sa Google Image Public Domain/Facebook account ni Raymond Ignacio Enrico

Nagtakbuhan at nag–unahan ang mga sabik na moviegoers sa isang mall sa Butuan City noong Abril 24, 2019, Miyerkules, sa unang araw ng pagbubukas sa mga sinehan ng inaabangang “Av3ngers: Endgame”.

Hindi napigilan ng mga moviegoers at avid fans ng pelikula ang kanilang pananabik na mapanood ito, kaya naman kitang–kita sa isang viral video na kuha ni Raymond Ignacio Enrico ang kanilang pagtakbo sa escalator pa lamang ng mall upang makabili kaagad ng ticket sa sinehan.

Larawan mula sa Facebook account ni Raymond Ignacio Enrico

Nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens sa naturang viral video.

“OA naman. Hahahaha. FYI, almost all wants to watch Avengers but not acting like this way.”

“Well it’s their decision, the hype is there so why not, they are enjoying the thrill and I for one would join the fun. I wanna watch it as well.”

Ipinaliwanag naman ng isang netizen ang dahilan ng pagtatakbuhan ng mga moviegoers sa naturang mall.

“For those who don’t know about the malls in Caraga… I’ll tell you why they are running for seats and tickets. Caraga has two malls that shows Av3ngers: Endgame and both are located in Butuan City, most of those runners came from different cities and municipalities of Caraga,” paliwanang ng netizen.

Dagdag pa niya: “Some of them have to wake up 2 am to reach Butuan via bus, and unlike to you, Northerners, you have malls with cinemas that are almost next to you side by side, so don’t blame them for running.”

Ang nasabing pelikula ay 2019 American superhero movie na ibinatay sa Marvel Comics superhero team na “Av3ngers” na nai-produce ng Marvel Studios, at karugtong ng “Av3ngers: Infinity W4r” noong 2018.

Makikita sa pelikula ang pag–revive ng mga natirang Av3ngers sa mga “naabong” kasamahan dulot ng pagkuha at pagkumpleto ng kalabang si “Thanos” sa infinity stones.

Halos ilang araw bago ang pagpapalabas sa naturang pelikula, talaga namang pinag–uusapan na ito ng mga tao. Halos tatlong oras umano ang haba ng pelikula kaya naman may mga sinehang bukas ng 24 oras upang mapagbigyan ang mga moviegoers sa panonood nito.

Iclick ang larawan upang mapanood ang buong video:

Larawan mula sa Facebook account ni Raymond Ignacio Enrico