Walang susuko! Aral mula sa pusang “naabot ang kanyang pangarap”




Larawan mula sa Facebook page na Free Recipes

Lahat ng tao ay may pangarap.

Mula sa mga simpleng pangarap na makapanood ng isang concert, makapaglakbay sa isang lugar o bansa, magawa ang isang bagay na hindi pa nagagawa sa buong buhay, hanggang sa maabot ang mga ambisyon o propesyon — lahat ng iyan ay bahagi ng isang tao.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Sabi nga, hindi madaling matamo ang mga pangarap sa buhay.

Kinakailangan ng ibayong sipag, sikap, tiyaga, talino, puso, at dedikasyon upang maakyat ang tugatog ng tagumpay. Lulusot ka muna sa butas ng karayom. Kailangang paghirapan. May ilang mga sumuko na, subalit marami pa rin namang lumalaban.

Kaya naman, kinatuwaan sa social media ang larawan ng isang pusang “naabot ang kanyang pinapangarap” na pagkain — ang nakasabit na ibinilad na isda, batay sa Facebook page na “Free Recipies“.

Sabi ng ilang mga netizens, kapupulutan ito ng aral sa buhay. Agaw–pansin din ang caption nito.

“Pusa nga naabot ang pangarap. Ikaw pa kayang tao. Kaya walang susuko. We are proud of you, Miming!”

Larawan mula sa Facebook page na Free Recipes

Mula sa post na ito ay nagkaroon ng repleksyon ang mga netizens.

“Nakakaproud ka, Muning hahahaha. Tama nga naman. Minsan, nariyan lamang ang ating mga pangarap. Ang gagawin na lang natin, magtiyaga tayong kunin ito. Parang si Muning… tiyaga lang na makuha ang isda para makakain!”

“Good job, Miming! Minsan kailangan nating pagmasdan ang mga nasa paligid natin, kasi minsan nasa paligid lang natin ang mga tunay na aral sa buhay. Sa sobrang busy kasi ng mga tao ngayon, they tend to forget the most precious things in life.”

“Good naman ang ginawa ni Miming to survive. Madiskarte. Pero come to think of it, kawawa naman ‘yung may–ari ng isda, baka ibinilad niya yan para gawing daing at maibenta, o kaya ulam nila mamayang gabi. In life, kapag inabot mo ang iyong mga pangarap, make sure na wala kang matatapakan o maaagrabyadong tao!”

Kaya tandaan, walang susuko! Ikaw, ano ang “hugot” mo sa ginawa ng pusa?