Top 5 Love Teams inihayag ng Twitter Philippines; MayWard, nanguna




Larawan mula sa Google Image Public Domain

Nanguna ang “MayWard” sa listahan ng top 5 love teams ng “Twitter Philippines” mula sa unang quarter o mula Enero hanggang Marso ng 2019.

Larawan mula sa Twitter Philippines

Ang MayWard love team ay binubuo nina Maymay Entrata at Edward Barber na unang nagkakilala at nagkasama sa reality show na “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7” ng ABS–CBN Kapamilya Network. Si Maymay ang itinanghal na Big Winner habang si Edward naman ang Fourth Big Placer.

Unti–unting nakilala si Maymay bilang modelo at naimbitahan pa sa Arab Fashion Week. Naging magkapareha rin ang dalawa sa unang pelikulang pinagtambalan nila na “Loving in Tandem” at mangaserye na  “He’s My Oppastar”.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Pumangalawa naman sa MayWard ang tambalang “DonKiss” na binubuo nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Si Donny Pangilinan ay anak ng aktres na si Maricel Laxa at negosyanteng si Anthony Pangilinan. Si Kisses Delavin naman ay itinanghal na Second Big Placer na kabatch ni Maymay at Edward sa PBB 7. Unang nabuo ang tambalan nila sa daytime teleseryeng “Playhouse”.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Pumangatlo naman sa listahan ang phenomenal loveteam ng 2015 na “AlDub” na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Bagama’t umamin na silang hanggang “on–screen” lamang talaga ang kanilang tandem, patuloy pa rin silang tinatangkilik ng kanilang mga tagahanga at tagasubaybay. Inaabangan na ng mga tagahanga ang unang pagtatambal sa pelikula nina Alden at Kathryn Bernardo. Si Maine naman ay naiuugnay sa aktor na si Arjo Atayde.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Nasa pang–apat na puwesto naman ang real couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil na mas kilala bilang “LizQuen”. Kamakailan lamang, itinanghal na “most beautiful woman in the world” si Liza, sa kabila ng kanyang umano’y pagback–out sa role na “Darna”.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

At syempre, hindi mawawala sa listahan ang “KathNiel” na binubuo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naghiwalay man at pansamantalang nagkaroon ng ibang kapareha, hindi pa rin maipagkakailang sila pa rin ang itinuturing na “King and Queen of Hearts”.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Congratulations sa limang love teams!