Tingnan kung gaano ka-faithful si James Reid kay Nadine Lustre




Imahe mula sa Instagram (@nadine)

“I try my best not to give her (Nadine Lustre) any reason to feel jealous.”

Ito ang mga katagang binitiwan ni James Reid nang mag-guest sa “Gandang Gabi Vice” noong March 2019.

Nasabi niya ito nang tanungin siya ng host na si Vice Ganda kung pinapayagan ba siya ng nobya na lumabas nang hindi ito kasama. Sinabi ni Reid na pinapayagan siya ng aktres ngunit siya mismo ang humihindi sa mga paanyaya na lumabas.

Bakit? Dahil kapag siya raw ay nasa isang relasyon, hindi niya binibigyan ang nobya ng dahilan na magselos.

Imahe mula sa Instagram (@james)

Marami ang kinilig sa naging pahayag ni Reid. Marami rin ang humihiling na makakita ng nobyo o partner na katulad ng aktor. Gwapo na, faithful pa.

Ngunit hindi pa diyan natatapos ang kilig dahil sa mga kumakalat na larawan ng real-life couple kasama ang kanilang female fans.

Truly a man of his word ang aktor. Makikita sa mga larawan ang mga female fans na nagpakuha ng larawan kasama ang JaDine. Mapapansin sa bawat larawan ang puwesto ng kamay ng aktor. Nakabilog na rin ang mga ito para madaling makita ng mga netizens.

Screenshot ng Facebook post ni Eyn Reid

Sa mga larawan, makikitang sinigurado ni Reid na ang kaniyang kamay ay nakahawak sa nobya at walang contact sa sinoman sa female fans. May isang larawan na mula sa harap ay parang nakahawak ang aktor sa female fan pero mula sa likod ay makikita na malayo ang kaniyang kamay.

As of writing, ang post na ito ng JaDine fan na si Eyn Reid ay mayroon ng 8,200 reactions, 3,200 comments, at 22,000 shares.

Imahe mula sa Instagram (@james)

Lahat ay masaya at kinikilig sa ipinapakitang pagmamahal at faithfulness ng aktor sa kaniyang kapareha.

Tunay ngang everybody’s dream guy si Reid.

February 2016 nang umamin ang dalawa na magkarelasyon. Naganap ito sa panayam sa press pagkatapos ng kanilang JaDine in Love concert sa Smart Araneta Coliseum.