Thank you and goodbye na nga ba ang tambalang AlDub?




Imahe mula sa Twitter/Facebook

Nitong Abril 30, 2019 ay naglabas ng anunsiyo ang Official AlDub Trendsetter sa Twitter account nito na pinasasalamatan ang AlDub Nation sa halos apat na taong pagsuporta kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon din sa post, ang #ALDUBxADNThankYou ang huling AlDub hashtag na ilalabas ng grupo.

Ito ba ay sa kadahilanang si Maine Mendoza ay mayroon nang Arjo Atayde at si Alden Richards ay katambal si Kathryn Bernardo sa upcoming movie nila na Hello, Love, Goodbye?

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang mga supporters at fans ng AlDub.

Imahe mula sa Wikipedia

Hulyo 16, 2015 nang mapanood ng mga tagasubaybay ng Eat Bulaga! ang kinikilig na si Yaya Dub (Maine Mendoza) nang makita nito si Alden Richards. At dito nagsimula ang mala-teleseryeng kuwento ng tambalang AlDub.

Si Yaya Dub ay ipinakilalang karakter sa noontime show na laging nakasimangot. Gayunman, sa isang segment ng “Juan for All, All for Juan” kung saan pinagsama sa isang split screen ang mukha nila ni Alden (na noo’y host ng “That’s My Bae”) ay biglang napangiti ang dalaga.

At iyon ang simula ng pagigng trending ng #AlDub. Sa katunayan, ang kanilang episode noong Setyembre 26, 2015 ay nakapag-generate ng 25 million tweet mula sa mga AlDub fans na simula pa lamang ng pag-trending ng kanilang love team.

Unang nakilala si Maine sa mga nakatutuwang Dubsmash videos sa social media. Nakita naman ng TAPE, Inc. ang malaking potensiyal ni Maine kaya ito ang kinuha nila upang gumanap na yaya ni Lola Nidora.

Sa maikling panahon, ang tambalang Maine Mendoza at Alden Richards ay isa na sa mga pinakamaiinit na love team sa Philippine television.

Bukod sa kilig, may mga aral na matututuhan sa Kalye Serye ng AlDub. Ilan sa mga trending hashtag ng AlDub ay ang #ALDubEBforLOVE.

Screenshot mula sa Twitter

Sa paglipas ng ilang taon, marami pang proyekto ang pinagsamahan ng dalawa kaya lalong umasa ang kanilang mga fans na magkakatuluyan sila sa tunay na buhay.

Ilan pa sa mga projects nila sa GMA ay ang My Bebe Love (2015), Imagine You and Me (2016) Destined to Be Yours (2017), at Love Is… (2017).

Gayunman, sa pagpasok ng 2018 ay marami na ring mga solo projects ang dalawa, tulad ng kay Alden na teleseryeng Victor Magtanggol at comedy-sitcom na Daddy’s Gurl kay Maine.

Sa kabila nito, sina Alden at Maine ay may kani-kaniya na ring fans at supporters na hindi sila iiwan kahit wala na ang #AlDub.

Source :

Twitter, Pep, PhilStar