Tatay, humingi ng tawad sa graduating na anak dahil wala silang handa para sa celebration

Larawan mula sa Facebook page na Sulit De senyo

Maituturing na “highlight” para sa isang working student ang pagsapit ng kanyang “Graduation” lalo’t napakahirap pagsabayin ng pag–aaral at pagtatrabaho upang makamit ang minimithing diploma.

Kadalasan, ipinagdiriwang ito ng isang pamilya sa pamamagitan ng pamamasyal, pagbabakasyon, o simpleng salusalo sa restaurant o kahit sa loob ng tahanan.

Subalit sa kaso ng isang working student na isang service crew na si Jay-ar Cañete Pangan mula sa Butuan City, hindi mahalaga ang anumang pagdiriwang na gaya nito, dahil higit pa rito, mas mahalaga ang bitbit niyang diploma o katunayan ng pagtatapos sa kolehiyo para sa kanyang pamilya, sa kabila ng kahirapan.

Larawan mula sa Facebook page na Sulit De-senyo

Ayon sa isang post sa Facebook page na “Sulit De-senyo”, humingi ng tawad ang kanyang ama dahil hindi siya nito mabigyan ng kahit simpleng handa para sa pagdiriwang ng kanyang graduation.

Sa halip na magtampo, sinabi ni Jay-ar na ayos lamang iyon sa kanya, pagkat ang mahalaga’y nakapagtapos siya sa kolehiyo at matutulungan na niya ang kanyang ama sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

Hindi na raw niya hahayaang maghirap pa ito at susuklian niya umano ang lahat ng sakripisyo nito sa kanya.

“Tatay: Anak, pasensya na wala tayong handa ngayong araw ng iyong pagtatapos. Anak: Ayus lang po tay, mahalaga nakapagtapos ako sa kolehiyo at matutulungan na kita, hindi na kita hahayaan pang maghirap at susuklian ko lahat ng sakripisyo mo sa’kin.”

Larawan mula sa Facebook page na Sulit De-senyo

Kinalugdan ng mga netizens ang pahayag na iyon ni Jay-ar, lalo na ang mga larawan nila ng kanyang ama.

“Congrats… tunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-asenso upang makamit ang pangarap! Wish you find a real good job soon.”

“You’re such an inspiration, hijo. May God bless you, go on with your journey. Sana lahat bata kagaya mong mag-isip.  Iniisip ang magulang.

“You are also a good father someday. Congrats to you and to your father for having a good son like you. You are a good example to others.”

Si Jay-ar Cañete Pangan ay service crew sa “Chowking” Gaisano Mall sa Butuan City.

Congrats, Jay-ar!