Sweet videos ni Kakai Bautista at Alden Richards, umani ng reaksyon mula sa fans




Imahe mula kay @inggrata | Twitter

Naging ugat ang dental diva na si Kakai Bautista ng mga usap-usapan at pagseselos sa social media nitong mga nakaraang araw.

Ito ay dahil sa mga video na in-upload sa Twitter ng isa sa mga fans ng Kapuso actor na si Alden Richards noong ika-14 ng Abril.

Sa video, mapapanood na niyayakap ni Alden si Kakai habang ang ulo nito ay nasa balikat ng dental diva. Makikita rin na kilig na kilig si Kakai sa mga nagaganap. Wow, may nanalo na talaga!

Imahe mula kay @inggrata | Twitterautis

Maliban pa rito, kapansin-pansin ang mga nakaw na halik ni Kakai sa pisngi ni Alden na siya namang mas kinainis ng ilan sa mga tagahanga ng aktor.

Hindi maitatanggi na may mga nainis at nagalit na fans dahil sa sweetness na ipinakita ng dalawa sa isa’t isa. Subalit, ilan sa mga netizens ay dinaan na lamang sa biro ang video.

Imahe mula kay @inggrata | Twitter

May mga nagbigay rin ng kanilang mensahe para kay Kakai.

Sinimsim mo na lahat ng amoy ni Alden sa umaga @kakaibautista! Wag kang uuwi ng pinas aabangan kita sa airport! Charot! #ALDENonEBxBULAWAN,” ayon sa Twitter user na si Inggrata na siyang nag-upload ng video.

“Cute niyong dalawa idol,” sabi naman ni Nalyn Carwana sa Twitter.

“Ako punong puno na ko sayo ha. Charot hahahah luv u cai. #ALDENonEBxBULAWAN,” ayon naman kay Rhods.

Nasa Hongkong ngayon ang dalawa para sa shooting ng pelikulang “Hello Love, Goodbye.” Ang pelikula ay mula sa Star Cinema na pinagbibidahan naman ni Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Source :

Twitter, GMA News