Sticker campaign ng isang tumatakbong Mayor inilagay sa katawan ng aso




Imahe mula sa Twitter account ni James Jimenez

Panahon na naman ng eleksyon kaya naman iba-iba na naman ang gimik ng mga politiko para makakuha ng mga boto mula sa taumbayan.

Sino ang hindi nakaririnig ng mga jingle songs, nakapanood ng mga sumasayaw, motorcade, mga namimigay ng leaflets at fliers at naglaan ng malaking pera sa patalastas? Given na yan, ‘di ba?

Pero tama bang gamitin pati ang isang aso para sa pangangampanya?

Naging usap-usapan sa social media ang paglalagay ng sticker ng isang politiko sa katawan ng isang aso.

Sa Twitter post ni Comelec Spokesperson James Jimenez, kinondena nito ang paglalagay ng sticker na ginamit ng isang Metro Manila mayoralty candidate sa pangangampanya sa katawan ng isang aso.

“Seriously. Isn’t it enough that politicking has already trashed the country you claim to love, you’ve got to har4ss dogs too? Leave. Dogs. Alone,” ayon kay Jimenez.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Jimenez na wala silang planong parusahan ang hindi pinangalanang kandidato.

“It seemed to be an isolated case, and not part of a broader campaign strategy,” paliwnag ni Jimenez.

Hindi naman maiwasang maglabas ng saloobin ang mga netizens hinggil dito:

“Pinapakita lang naman nila kung gaano kababa ang pag-iisip nila. Sarap lagyan ng kalamansi sa mata ang gumawa nyan. Ako na hindi petlover nasasaktan sa ginawa nila. Mga mangmang!”

“Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Ano ba naman yang mga tao pati ba naman aso! Kakapal nyo talaga!”

“Walang patawad si Boy tarpaulin pati aso pinatos.”

“Sa dami ng election campaign violations ni isa walapang napropros3cute ang comelec. Puro daldal lang.”

“An all out id1ot ang gumawa nito. Spare the dogs sa gimmickry. Mabait, loyal, and very intelligent ang aso and so unlike the person responsible for doing this to the dog who pretend to be human. Gosh, a display of deteriorating observance of core human values.”

Source :

Twitter, CNN, PhilStar