Star Cinema, naghahanap na ulit ng bagong “Darna”




Mga larawan mula sa Instagram

Matapos ang nakagugulat na balita hinggil sa pagback–out ng aktres na si Liza Soberano sa iconic Pinoy super heroine role na “Darna”, muling binuksan ng “Star Cinema” ang paghahanap sa posibleng gumanap nito sa pelikula.

Sa inilabas na press statement ng ABS-CBN at Star Cinema na naka–post sa official Instagram account ng nasabing network, opisyal nilang ipinahayag na tinatanggap na nila ang desisyon ni Liza na tuluyan nang “iluwa ang bato ni Darna” at ipasa sa iba.

“ABS-CBN and Star Cinema regretfully announce their acceptance of Liza Soberano’s decision to withdraw from the “Darna” movie project due to medical reasons.”

Larawan mula sa official Instagram account ng ABS CBN

Kaya naman kanya-kanyang bigay ng pangalan ang mga netizens at naging mainit na paksa sa mga social media platforms kung sino ang posibleng tatanggap ng bato, lulunukin ito, at sisigaw ng salitang “Darna!”.

Nangunguna sa listahan ang aktres na si Nadine Lustre. Sa taglay na kagandahan, talento sa pag–arte, at kasanayan umano sa fight scenes, kayang–kaya umano ni Nadine na mabigyang-hustisya ang naturang iconic role.

Bukod dito, inamin din ng Pinoy artist na si Mico Suayan na si Nadine ang kanyang naging inspirasyon sa paglikha sa kauna–unahang Pinay Marvel superhero na si “Wave”.

“Si Nadine Lustre na po ang gawing bagong Darna; bukod sa magaling ng actress, maganda ang katawan at pwedeng isabak sa action.”

“Yes, I agree that Nadine Lustre is the best for the role of Darna.”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

Lumutang din ang pangalan ng mahusay na aktres na si Maja Salvador. Napatunayan na niya ang kanyang kakayahan sa fight at action scenes sa teleseryeng “Wildflower”.

“Maja Salvador na yan… siya lang ang nababagay na pumalit kay Liza.”

“Si Maja Salvador lang ang fit na pumalit sa Darna… kasi sa Wildflower pa lang pinatunayan niya roon yung fight acting skills niya roon.”

Larawan mula sa Twitter

Hindi rin nawala sa listahan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na minsan nang gumanap bilang superhero sa pelikulang “Gandarrapido: the Revengers’ Squad” kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla noong 2017.

“After winning the crown, I think Queen Pia Wurtzbach deserves the stone of Darna.”

“Queen Pia can play the role of Darna. The beauty, the height, the charisma, the acting prowess… she got ’em all!”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Subalit malakas din ang panawagan ng mga tagahanga at tagasubaybay ni Angel Locsin, isa sa mga gumanap na Darna (sa telebisyon) na ibalik na sa kanya ang “bato” dahil para sa kanya talaga ito. Pinatunayan niyang kaya na niyang sumabak ulit sa mga fight scenes dahil sa kanyang teleseryeng “The General’s Daughter”.

“Coz this is only meant for Angel Locsin. Ibalik ang original Darna.”

“Mukhang gustong bumalik ng bato sa orihinal na Darna, Ms. Angel Locsin! Ibalik na ito sa rightful owner ng bato. Go Angel!!!!”

“Pakibalik na po ang bato sa NAG–IISANG ACTION-DRAMA QUEEN, Angel Locsin!”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Bukod sa kanila, nabanggit din ang pangalan nina Erich Gonzales, Bela Padilla, Cristine Reyes, Barbie Imperial, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Yassi Pressman, Julia Barreto, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ikaw, sino ang gusto mong magmay–ari ng bato at muling sisigaw ng… “Darna”!

Source :

Instagram, Push, PM