Richard at Lucy Gomez, nagbalik-tanaw sa kanilang mala-whirlwind romance




Screenshot mula sa Instagram post ni Richard Gomez

Nagdiwang ng kanilang 21st wedding anniversary ang celebrity couple na sina Richard at Lucy Gomez noong Abril 28, 2019.

Bilang pag-alala sa unang pagkakakilala ng mag-asawa, ipinaskil ni Richard sa Instagram ang throwback video ng isang TV commercial na una nilang pinagtambalan.

“This is the TV ad where I fell in love with this 19-year-old lady. It didn’t take too long and I asked her to marry me,” sabi ni Goma sa Instagram post.

Personal na nagkakilala ang celebrity couple noong 1993 nang i-offer kay Lucy ang Lux Shampoo TV commercial. Sa loob ng limang taon, nakagawa sila ng walong patalastas para sa Lux.

Mala-whirlwind romance ang kanilang naging relasyon bago sila ikinasal.

Imahe mula sa Instagram ni Lucy Gomez

Noon lamang 1997 nang seryosohin ni Richard ang kaniyang panunuyo kay Lucy. Sinasadya pa ng actor ang pagpunta sa Ormoc para lang madalaw si Lucy at Disyembre ng taon ding iyon ay nag-propose na si Richard. Sila ay ikinasal noong Abril 28, 1998.

“It’s been 21 years since [then] and it feels like we just got married yesterday. Happy Anniversary to you, my love,” dagdag pa ng actor-turned-politician.

Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Richard ay ang Bench Founder na si Ben Chan.

”Happy Anniversary to my favorite Bench couple! Feels like day one every time I see you. Keep spreading love,” sabi ni Chan.

Samantala, may sariling post din si Lucy sa kaniyang Instagram para sa kanilang wedding anniversary.

Nag-post si Lucy ng kanilang throwback photo na kuha noong Disyembre 1997 kung saan nag-propose sa kaniya ang mister.

“When the clock struck midnight Richard pulled me close, locked me in his piercing gaze, and asked me to marry him. I said yes in a heartbeat,” sabi ni Lucy.

Imahe mula sa Instagram ni Richard Gomez

“21 today. You are my home. Thank you for a love that always feels like summer,” dagdag ni Lucy.

Isa naman sa mga nagkomento rito ay si Bianca Gonzales na nagsabing: “I love this so much. Always love how you write Ate Lucy.”

Ang celebrity couple ay biniyayaan ng supling na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.