Redford White at Babalu, ‘unang nagpasikat’ ng #DalagangPilipinaChallenge

Image capture mula sa Hanep TV

Isa sa mga kinatutuwaang challenge ngayon sa social media ang “#DalagangPilipinaChallenge” na ginagawa hindi lamang ng mga karaniwang tao kundi maging ng mga sikat na celebrity, sa saliw ng awiting “Dalaga” ng All Most habang nag–eemote at nagpapacute sa harap ng cellphone camera.

Subalit likas na “mapag–usisa” at “malikhain” ang mga netizens dahil napag–alaman umano nila na bago pa man sumikat sa kasalukuyan, ang naturang challenge ay ginawa na ng yumaong mga komedyante na sina “Redford White” at “Babalu”.

Kinatutuwaan ngayon sa Facebook page na “Hanep TV” ang “#DalagangPilipinaChallenge” ng dalawang batikang komedyante, na halaw sa pelikulang “Haba–Haba–Doo, Puti–Puti–Poo” noong 1998 na kanilang pinagbidahan.

Ipinakita sa eksena na nagpanggap silang babae at nagpapacute sa harap ng isang lalaki.

Image capture mula sa Hanep TV

Marami naman sa mga netizens ang naka–miss sa dalawang komedyante.

“Nakaka–miss ang mga alamat na komedyanteng sina Babalu at Redford White, marami kayong pinasayang Pilipino, salamat sa magagandang mga alaala, mga idol.”

“Ito talaga ang tunay na dalagang Pilipina! Nakaka–miss ‘yung ganitong uri ng comedy. ‘Yung matatawa ka lang talaga sa kanila nang natural.”

“Wow naiihi ako sa katatawa, iba talaga mga komedyante noong araw, flawless mga talent hindi below the belt tulad sa iba…”

Si Redford White o Cipriano Cermeño II sa tunay na buhay ay unang nakilala sa sitcom na “Iskul Bukol” noong 1970. Isa rin siya sa mga bumida sa sitcom na “Buddy en Sol” kasama si Eric Quizon.

Sinasabing siya ay isang “albino” kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkaputi, kung saan hinango ang kanyang screen name. Nilisan niya ang mundo sa edad na 54 noong 2010 dahil sa malalang s4kit sa baga at utak.

Image capture mula sa Hanep TV

Si Pablito Sarmiento naman o mas nakilala bilang “Babalu” ay itinuturing na “one of the most famous and beloved comedians” sa Pilipinas.

Ang nakadiskubre sa kanyang likas na pagpapatawa ay walang iba kundi ang “Hari ng Komedya” na si Dolphy. Napabilang siya sa mga sitcoms na “Home Along Da Riles” at “Oki Doki Doc”. Sumuko ang kanyang katawan dahil sa malalang s4kit sa at4y.

I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang “#DalagangPilipinaChallenge” nina Redford White at Babalu:

Larawan mula sa Facebook page na Hanep TV