#ProudSon: Ama ni Awra nagtapos ng kolehiyo

Imahe mula Instagram ni Awra

Sa mga ganitong graduation season nakasasaksi tayo ng iba’t ibang kuwento ng tagumpay sa mga taong nakaranas mismo ng hirap maabot lamang ang pangarap.

Bihira din ang pagkakataon na ang anak ang sasama sa ama upang maging bahagi ng pagtatapos nito.

Kaya naman proud son si Awra Briguela nang masaksihan niya ang ama na si Oneal Brian na nagtapos sa kolehiyo.

Imahe mula Instagram ni Awra

Ibinahagi  ng dating  “Ang Probinsyano” actor ang larawan ng graduation ceremony na may caption na: “Congrats papa! So proud of you! Sabi nga nila ‘it’s better (than) late, than never.”

Ipinahayag rin niya na silang lahat umano ay sobrang saludo sa ama pagkat ipinakita niya sa kanilang pamilya kung gaano kahalaga ang pag-aaral.

“I love you papa!! Congrats ulet!” dagdag pa nito.

Noong June 2017, sinabi ng ama ni Awra na ang anak ang gumagastos sa kanyang pag-aaral.

“Baliktad na. Simula lang po nung nawalan po ako ng trabaho ‘tapos nahiwalay pa ako sa nanay niya, parang ‘yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko.”

Bumuhos ng pagbati sa post ni Awra mula sa mga netizens:

“Congrats lalo sayo @awrabriguela sa pagpapaaral sa tatay mo. So much proud.”

“Congrats sa papa mo. Isa syang inspiration!”

“Better late than never…..vaklang towwww!” “Wow, inspiration. Congrats!”

“Wow saludo ako sayo Awra. Napabilib mo ako. Congrats kay papa mo be proud talaga kasi pinakikita nya mahalaga pag-aaral talaga. I’m happy for you and sa family mo!”

“Congratulaions sa inyo. So inspiring awra. Wag ka magbabago sa iyong kabutihang loob. Manatiling mabait na bata. Lalu kapa bbiyaan magkakaruon ng blessings.”

May payo naman ang isang netizen kay Awra: “Ikaw din Awra tapusin mo pag-aaral mo para hindi ka ma-look down ng iba!”

Imahe mula Instagram ni Awra

Dahil sa suporta ng pamilya ay nakamit ng ama ni Awra ang matamis na tagumpay na ito!

Congratulations!

Source :

Instagram, PEP