Pia’s Postcards: Sue Ramirez at Pia Wurtzbach lubos na nasiyahan sa Korea tour

Imahe mula sa Instagram account ng Star Magic

Patunay na a spring to remember ang pagpunta ni Sue Ramirez at Pia Wurtzbach sa South Korea matapos ang kanilang tour bilang parte ng travel program na pinamagatang “Pia’s Postcards”.

Imahe mula sa Instagram account nina Pia Wurtzbach at Sue Ramirez

Ang Pia’s Postcards ang kauna-unahang travel show ng nag-iisang Miss Universe 2015 sa Metro Channel tuwing Lunes ng gabi simula noong Abril ng nakaraang taon.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas nabibigyan ng importansya at nakakakuha ng karagdagang kaalaman ang mga manonood tungkol sa magagandang tanawin dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa sa tulong ng nakatutuwang paraan ng pagho-host ni Pia.

Para sa kanyang pinakabagong episode na sadyang kaabang-abang, kasama ni Pia si Sue sa pamamasyal sa Seoul na matatagpuan sa puso ng South Korea kung saan nagmula ang mga pinag-uusapang K-drama, katakam-takam na kimchi at samgyeopsal, at pinagkakaguluhang mga oppa.

Imahe mula sa Instagram account ni Sue Ramirez

Ang katatapos lamang na Korean tour ng dalawa para sa naturang programa ay tamang-tama sa pinakamagandang panahon sa kinikilalang Land of the Morning Calm; ang spring season.

Sa panahong ito namumulaklak ang cherry blossoms na talaga namang ipinagdiriwang.

Bukod sa tanawing handog ng pamumulaklak ng cherry blossoms ay ang mas malalim na kahulugan nito. Nagsisilbing simbolo ng kadalisayan at kagandahan ang cherry blossom sa Korea, at para sa ilan, ito ay nagpapahiwatig ng panibagong buhay.

Imahe mula sa Instagram account nina Pia Wurtzbach at Sue Ramirez

Sa kanya-kanyang social media accounts nina Pia at Sue, ibinahagi nila ang napakasayang pamamasyal nila sa Korea na tila hindi parte ng trabaho nila bilang mga artista.

Nariyan ang pagsuot nila ng tradisyunal na damit na hanbok ng mga Koreano, paglasap ng lokal na mga pagkain mapa-restawran man o street food, at s’yempre, hindi mawawala ang kanilang memorable experience na makita sa malapitan ang pamumulaklak ng cherry blossoms.

Abangan ang iba pa nilang nakatutuwang eksena sa episode na ito ng Pia’s Postcards at magkaroon ng ideya sa mga nagbabalak ding mamasyal sa bansang Korea.

Tandaan! Abangan sa Metro Channel (SKYcable ch. 52) tuwing Lunes sa ganap na ika-8:30pm.