Parenting: Gadget rules nina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa kanilang mga anak




Imahe mula sa Instagram (@officialjuday)

Bahagi na ng buhay natin ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang gadgets tulad ng laptop, tablet, at cellphone. Kaya hindi maiiwasang mahumaling ang ating mga anak sa paggamit nito.

Para sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, dapat na ituro sa mga bata ang wastong paggamit ng mga gadget sa halip na sila ay pagbawalan.

Taong 2016 noong una nilang pinayagan sina Yohan at Lucho na gumamit ng iPad para sa research. Hindi nila ito maaaring gamitin sa paglalaro o panonood ng video sa YouTube.

Imahe mula sa Instagram (@officialjuday)

Ngayong 2019, pinapayagan na nilang manood si Lucho ng videos na nais niya.

“I know naman all sites. Ang pinapanood naman niya ay football at funny videos. I check their history eh.”

Ang kanilang bunsong si Luna ay maaaring gumamit ng gadget sa loob ng dalawang oras. Ngunit hanggat maaari, tinitiyak ng aktres na may ibang pinagkakaabalahan si Luna na hindi nangangailangan ng gadgets.

“With Luna, one hour in the morning, one hour in the afternoon. Naka-filter ‘yung YouTube Kids. But in between those hours, she needs to complete a task in writing a booklet or reading a booklet. Basta hindi tablet.”

Imahe mula sa Instagram (@officialjuday)

“Dapat may iba siyang activity na ginagawa na hindi konektado sa gadget at all. It’s either I bring her to the kitchen, tulungan niya ako magluto. Punta kami sa dollhouse niya o mag-trampoline kami. Basta something na hindi talaga konektado.”

Ang panganay naman na si Yohan na kasalukuyang nasa high school ay pinapayagan nilang gumamit ng iPad at laptop.

“She’s high school already and she’s using my iPad para rin makita ko. Kapag may research siya, she can bring my laptop in her room, use it with her tutor.”

Imahe mula sa Instagram (@officialjuday)

“After nun, kailangan niyang ibaba sa dining table ‘yung laptop para hindi siya makapag-research ng kahit na ano, lalo na during weekdays kasi may pasok sila.”

Maaari lang din daw siyang gumawa ng sariling social media account pagtuntong ng 18 years old.

“There are content in this social media thing na baka ikakagulat mo tapos hindi ka pa ready for your age,” paliwanag ng aktres.

Masunurin naman daw ang kanilang mga anak.

“In fairness naman sa mga anak namin, we’re blessed to have kids that are very obedient. Hindi mahirap pagsabihan, hindi sila mahirap bigyan ng rules kasi they listen,” dagdag pa niya.