Paralisadong single mom, kumikita sa paggagantsilyo; Kaniyang mga gawa, nakarating na sa ibang bansa




Imahe mula sa Facebook (Hand-made by Che)

Kahanga-hanga ang isang paralisadong single mom mula sa Romblon na nakaisip ng paraan upang kumita ng pera sa kabila ng kaniyang kalagayan.

Si Che Formilleza, 32 years old, ay paral1sad0 ang dalawang paa dahil sa komplikasyon sa urinary tract infect1on. Nangyari ito anim na buwan matapos niyang ipanganak ang kaniyang unica hija noong 2010.

Ngunit hindi naging hadlang ang kaniyang karamdaman upang kumita sa pamamagitan ng paggagantsilyo.

Imahe mula sa Facebook (Hand-made by Che)

Nagsimula siyang maggantsilyo noong 2017 bilang libangan. Ipinost niya ang kaniyang mga gawa sa Facebook kung saan maraming nag-comment na gusto nilang bilhin ang kaniyang mga gawa.

Dito naisip ni Formilleza na gawing kabuhayan ang paggagantsilyo.

Ayon sa kaniya, nakatulong rin ito upang hindi siya malungkot at mainip sa bahay.

Gumawa na rin siya ng Instagram account para i-post din doon ang kaniyang mga produkto tulad ng bonnet, cellphone case, wallet, bag, at iba pa.

Imahe mula sa Facebook (Hand-made by Che)

Paralisado man ang kaniyang mga paa, hindi ito naging hadlang upang makarating ang kaniyang mga gawa sa ibang bansa.

Tinulungan siya ng kaniyang high school batchmate na maibenta sa United Kingdom ang kaniyang mga produkto. Nagpadala siya ng 10 bonnet sa London para maibenta.

“Hindi man ako kayang dalhin pa sa ngayon ng aking mga paa sa ibang lugar, kaya naman akong dalhin ng mga gawang-kamay ko sa ibang bansa,” sabi ni Formilleza.

Sa tulong naman ng kaniyang Facebook page na Hand-made by Che, nakarating din ang kaniyang mga gawa sa Dubai.

Imahe mula sa Facebook (Hand-made by Che)

“May mga nag-o-order po sa akin na mga friends ko dito lang sa Facebook at nakikita po nila ang post ko kaya nagpapagawa sila tapos dinadala nila sa ibang bansa.”

Mayroon ding mga tumutulong sa kaniya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyales sa paggagantsilyo.

“May nagbibigay po sa akin ng yarn, then minsan galante naman po ‘yung iba, pinapasobrahan po nila ‘yung bayad.”

Iniipon ni Formilleza ang kaniyang kinikita upang makapagpatingin sa doktor at sumailalim sa physical therapy.

Source :

Facebook, ABS-CBN