Nostalgia: Pelikulang “Titanic”, muling pinag–usapan

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Muling pinag–usapan at lumikha ng ingay sa mga social media platforms ang pelikulang “Titanic” na pinagbidahan nina Leonardo DiCaprio bilang “Jack” at Kate Winslet bilang “Rose” matapos na ipalabas sa GMA Network nitong Maundy Thursday, Abril 18, 2019.

Talaga namang walang kakupas–kupas ang kuwento ng pagmamahalan nina Jack at Rose na kinakiligan, kinatuwaan, at kinaiyakan ng mga dati nang nakapanood nito noong 1997 hanggang sa kasalukuyang henerasyon.

Sabi ng ilan, ganoon pa rin daw ang epekto nito sa kanila.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Maraming nagtatanong kung totoo nga ba ang pagmamahalan nina Jack at Rose.

Sina Jack Dawson at Rose DeWitt Bukater, gayundin ang iba pang mga tauhan ay pawang mga fictional characters o kathang–isip lamang ng direktor at producer nitong si James Cameron. Pati na ang love story nito ay kathang–isip lamang.

Ang tanging totoo sa pelikulang ito ay ang paglubog ng barkong RMS Titanic noong 1912. Nakadagdag pa sa kagandahan ng pelikula ang  official theme song nitong “My Heart Will Go On” na inawit ni Celine Dion.

Ang kuwento nito ay mala “You and Me Against the World” dahil sa nagkaibigan sina Rose at Jack kahit na hindi sila pareho ng estado sa buhay. Nagkakilala sina Rose at Jack sa loob ng barko, matapos magtangkang tumalon ni Rose sa dagat at mailigtas ni Jack.

Tutol si Rose sa pagpapakasal sa kanyang kasintahang si Caledon Cal Hockley dahil ipinagkasundo lamang sila ng kani–kanilang mga pamilya. Bumangga ang barkong Titanic sa isang ice berg na naging dahilan upang masira ito, mapasok ng tubig, at tuluyang lumubog.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Higit na makabagbag–damdamin ang bandang dulo ng eksena kung saan nakaligtas sina Rose at Jack a pamamagitan ng isang pinto. Isa lamang ang maaaring sumampa rito, kaya ipinaraya ito ni Jack kay Rose.

Tinalo ng hypoth3rmia si Jack pagkat matagal siyang nakababad sa napakalamig na tubig–dagat. Nakaligtas naman si Rose at naisalba ng mga rescue team dahil sa paghihip sa pito, hudyat na may natitira pang buhay.

Samu’t sari naman ang mga komento ng mga avid fans ng naturang pelikula.

“I watched this movie several times, as in many times … and never get tired loving to watch it.”

“The love story of Jack and Rose was truly inspiring! They have shown the true meaning of unconditional love. Titanic, indeed, is the greatest movie of all time, really.”

“Napanood ko ito noong Grade 5 pa lang ako, mga 12 times kong napanood, pero hanggang ngayon ganoon pa rin ang epekto sa akin. Nakakaiyak pa rin!”

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Patunay ito na hanggang ngayon, patuloy pa ring naglalayag ang Titanic sa alaala ng mga Pilipino; gayundin ang dakilang pagmamahalan nina Jack at Rose.