Morena beauty dapat ang susunod na Darna – Lea Salonga




Mga larawan mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Kung si Broadway star Lea Salonga lamang ang masusunod nais niyang isang morena o kayumanggi beauty ang susunod na gaganap na maging Pinoy super heroine role na “Darna.”

Nitong Abril 4, ginulat ni Kapamilya star Liza Soberano ang mundo ng showbiz sa pagback–out niya sa pagganap bilang “Darna” dahil sa pinsalang natamo niya sa kanyang daliri habang ginagawa ang noo’y kanyang teleserye na “Bagani”.

Kaya naman ang mungkahi ni Lea sa mapipiling gaganap na “Darna” ay  “relative unknown” at isang morena o kayumanggi beauty.

Ayon sa Twitter post ni Lea: “So, what would I love to see as Darna? Someone morena or kayumanggi to represent the darker-skinned Pinays to let them know they are powerful and beautiful exactly as they are.”

“I’d also love for her to be a relative unknown. Let the story sell the film. That is all,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Twitter post ni Lea Salonga

Magugunitang tinanggap ng aktres na si Angel Locsin ang “Darna” role noong 2014 ngunit binitiwan din ito dahil sa kanyang back injury. Kasunod din ang pagbibitiw ni Erik Matti bilang direktor ng “Darna” sa dahilang  may “creative differences” sila ng Star Cinema.

Samantala, opisyal nang tinanggap ng ABS-CBN at Star Cinema ang desisyon ni Liza na tuluyan nang “iluwa ang bato ni Darna” at ipasa sa iba.

“ABS-CBN and Star Cinema regretfully announce their acceptance of Liza Soberano’s decision to withdraw from the “Darna” movie project due to medical reasons.”

Mga larawan mula sa Instagram

Naghahanap na ngayon ang Star Cinema ng susunod na “Darna”.

Ilan sa mga lumulutang na pangalan sa posibleng gaganap na “Darna” ay sina Nadine Lustre, Maja Salvador at  Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

May ilang panawagan din ang mga netizens kay Angel Locsin na muling tanggapin ang role.