Michelle Madrigal ikinasal na sa kanyang “MyWillSmith”

Imahe mula sa Nice Print Photo

Nag-isang dibdib na ang aktres na si Michelle Madrigal at ang kanyang American boyfriend na si Troy Woolfolk noong April 12 (US Time) sa Austin, Texas.

Sa  espesyal na araw na ito ni Michelle at Troy ay dumating ang ilan sa mga kaibigan ng aktres at kapatid nitong si Ehra Madrigal.

Imahe mula sa Nice Print Photo

Ilang araw bago ang pag-iisang dibdib ay nag-post pa si Ehra ng larawan kasama ang kanyang kapatid.

Ayon sa caption, “Aah, my little sister is getting married in a few days!!! (this was taken during my wedding (xx lbs lighter!) nyahaha! now, we’ll get to switch roles!) FAMILY is everything!

“My mom and mitch are already based in the US (NJ and ATX) so grabehan lang yung saya ko kasi i’ll get to hang and bond with them again! excited to play with my adorable niece too! waaaaa!!! *happy tears*”

Imahe mula sa Ehra Madrigal Instagram account

Si Michelle ay huling napanood sa teleseryeng Pasion de Amor, na siyang naging comeback project niya sa Kapamilya network pagkatapos niyang maging bahagi ng GMA-7 sa mahabang panahon.

Ang teleserye ay umere mula June 2015 to March 2016.

January 2016 nang lumipad  patungong Texas, USA, si Michelle para sa kanyang “culinary journey” bago matapos ang Pasion de Amor.

Doon nakilala ni Michelle ang kabiyak na tinatawag niyang “MyWillSmith.”

May 2017 nang inanunsiyo ni Michelle na siya ay 13 weeks pregnant sa panganay nila ni Troy. Noong July 2017, ilang buwan bago manganak si Michelle, ay na-engage siya kay Troy.

Nagsilang si Michelle ng isang baby girl noong October 2017 at pinangalanan nila itong Annika Austin.

Imahe mula sa Nice Print Photo

Best wishes!

Source :

Instagram, PEP