Mga guro nananawagan sa pagbasura ng gabundok na trabaho mula sa DepEd

Mga imahe mula sa TeacherPH Facebook account

Sa halip na nag-e-enjoy sa bakasyon, marami pa ring mga guro ang pumapasok sa kanilang mga paaralan upang tapusin ang gabundok na trabaho na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, muling nanaghoy ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil sa mga “burdensome, unnecessary, and unjust” na evaluation system sa mga public school teachers at hinimok na ibasura na ng DedEd ang pagpapatupad ng Results-based Performance Management System (RPMS) at Philippine Professional Standard for Teachers (PPST).

Imahe mula sa TeacherPH Facebook account

Abril 5 ang simula ng bakasyon sa mga paaralan ngunit napipilitan pa rin ang mga guro na pumasok dahil sa dami ng trabaho.

“Instead of enjoying the summer vacation, teachers are still reporting to their schools to finish the unnecessarily heavy paperwork demanded by the RPMS-PPST and to complete their IPCRF [Individual Performance Commitment and Review Form],” ayon kayACT National Chairperson Joselyn Martinez.

“We of course will not be compensated for such by DepEd,” dagdag pa nito.

Naniniwala ang  ACT na ang summer vacation ay: “only time for rest and reinvigoration as public school teachers are not entitled to sick and vacation leave credits for the whole school year, unlike other public and private employees who enjoy these benefits throughout the year.”

“These requirements are ridiculous!” ani Martinez.

“We are essentially being asked to prove that we worked the entire year through various means of verification identified by the PPST,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa TeacherPH Facebook account

Ayon sa ACT, tinitiyak lamang na nakasusunod ang mga guro sa itinakdang pamantayan na inirekomenda diumano ng Asian Development Bank.

Kinuwestyon din ACT ang RPMS-PPST framework at tools tulad ng IPCRF upang masukat ang performance ng mga guro.

“DepEd is trying to veer the blame away from the major reason behind the declining quality of education in the country, which is no less than the problematic K to 12 program,” ani Martinez.