Magic Johnson nagbitiw bilang President ng LA Lakers

Mga imahe mula sa Twitter

Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang pagbibitiw ni Magic Johnson bilang  President of Basketball Operations ng Los Angeles Lakers.

Imahe mula sa Magic Jhonson Facebook account

Ayon sa ulat ng CBS Sports, ang pagbibitiw ni Magic ay bago ang  tipoff ng Los Angeles Lakers-Portland game noon Abril 9.

Si Magic ay nagsilbi sa naturang posisyon sa loob ng 26 na buwan.

Kahit dumating si LeBron James noong summer, humaba pa rin sa anim ang consecutive losing season ng Lakers (37-44), at si Magic ay naupo sa puwesto sa loob lang ng 26 months.

“I like to be free,” ani Magic. “I was like, damn, I’ve got a great life outside of this!”

“I want to go back to being who I was before taking this job,” halos naiiyak na pahayag ni Magic sa mga reporter.

 “We’re halfway there with LeBron coming. I think this summer, with that other star coming in, whoever is going to bring him in, I think this team is really going to be in position to contend for a championship with the growth of the young players.”

Marso 22 pa nang ma-eliminate ang Lakers, ngunit tinapos pa rin nila ang huling mga laro  6-5. Ang 37 wins nila ngayon ang pinakamarami ng prangkisa sapul nang huling pumasok sa postseason noong 2013.

Walang ring ideya si 4x NBA MVP LeBron James sa pagbibitiw na ito ni Magic.

Isa si Magic sa mga naging instrument sa paglipat ni LeBron sa LA Lakers at mapalagda ito ng  $153.3 million deal at ilaan ang nalalabi niyang taon sa kanyang basketball career sa koponan.

Samantala, hindi pa napag-uusapan kung ano ang magiging future ni Luke Walton bilang coach ng Lakers. May usap-usapan kasi na siya’y sisibakin matapos ang hindi magandang season ng koponan.

“It’s my responsibility for the team, to our players, to be focused and prep on what our task is and what our job is. I haven’t had any time to process anything other than my job of coaching,” ani Walton.