Laugh trip: Nakatutuwang fare matrix, kinaaliwan




Larawan mula sa Facebook page na Tata Lino/Google Image Public Domain

Kinaaliwan sa social media ang isang nakatutuwang fare matrix na ibinahagi ng isang netizen sa Facebook page na “Tata Lino”.

May bahid ng pagpapatawa ang fare matrix na nakasabit sa loob ng jeepney ng hindi nakilala o pinangalanang tsuper. Makikita sa naturang matrix ang halaga ng pamasahe sa bawat kategorya ng pasaherong sasakay sa kanyang pasada. 

8 piso ang pamasahe ng mga estudyante at senior citizen. Regular na 9 piso naman ang pamasahe para sa may trabaho, aplikante pa lang, single, may boyfriend/girlfriend, single pero may balak, cute, sakto lang, at tambay.

P14.75 naman ang pamasahe ng medyo masama ang ugali at kapag chismoso o chismosa, P23.50 ang kailangan mong bayaran.  P784. 50 naman kapag binoto umano ang dalawang partikular na senador. Libre naman ang mga super sa pagka-senior citizen, PWD o person with dis4bility, at bulag na masahista sa isang sikat na  mall.

Mahigpit na ipinagbabawal naman ang mga mandurukot at mangvi–video ng naka-short shorts. At ang pinakamahal na pamasahe – P3,742. 5 para sa mga may trabaho pero ilegal.

Sa ilalim ng fare matrix ay nag–iwan pa ng “note” ang tsuper: “This is absolutely a non–official fare matrix. Items in bold letters are in effect though”.

Larawan mula sa Facebook page na Tata Lino

Samu’t sari naman ang reaksyon dito ng mga netizens.

“Ang funny naman nito! Minsan kailangan natin ng ganitong mga pampatawa, masyado nang serious ang life!” Need natin tumawa.”

“Mali pa rin po yung fare ni tatay para sa senior at estudyante… 20% ang discount ng senior at estudyante,  90 cents ang 10% ng 9 pesos.. Since 20% ang discount dapat 1.80 ang ibawas sa 9 pesos.. Since you need to round it off sa nearest whole number kaya 2 pesos dapat ang bawas sa original fare. Kaya dapat ay 7 pesos lang po ang pamasahe ng senior at estudyante.”

“Tiyak na kikita si manong sa chismoso/chismosa, pati na sa mga may trabaho pero ilegal! Hahaha. Ang witty nito.”

Kung ikaw ang pasahero ni Mamang Tsuper, magkano ang ibabayad mo batay sa fare matrix na ito?

Larawan mula sa Google Image Public Domain