Kim Chiu, nagdiwang ng kaarawan sa Balesin




Image mula sa Instagram (@chinitaprincess)

Ipinagdiwang ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang kaniyang ika-29 na kaarawan sa exclusive na Balesin Island Club.

Makikita sa mga ipinost niyang larawan sa Instagram na lubos niyang na-enjoy ang mahalagang okasyon kasama ang kaniyang pamilya.

Noong April 20, 2019, nagpost siya ng pasasalamat sa lahat ng bumati sa kaniya.

Imahe mula sa Instagram (@chinitaprincess)

“Because yesterday was Good Friday, I took a social media day off to honor and reflect on how Jesus d1ed for us and at the same time it was my day of birth. I just want to say THANK YOU to the man above for giving me this wonderful l1fe!!! Thank you to everyone who greeted me and for remembering. Love you all! Appreciate it so much.”

Ibinahagi rin niya ang video na kinunan noong mismong araw ng kaniyang birthday. Makikita sa video ang birthday celebration ng Chinita Princess sa beach.

Marami rin sa kaniyang showbiz friends at mga netizens ang nakapansin sa kaniyang sexy figure na lumutang sa mga suot niyang makukulay na bikinis.

Imahe mula sa Instagram (@chinitaprincess)

Maski ang Kapamilya stars na sina Zsa Zsa Padilla at Liza Soberano ay humanga sa mga larawan ng dalaga.

“zsazsapadilla: Glowing! So pretty”

“lizasoberano: WOW”

Hindi rin napigilan ng kaniyang mga fans na mag-comment sa kaniyang mga larawan. May mga nagsabi na parang hindi tumatanda ang actress at mukhang 18 years old lang.

May nagkomento rin na bagay daw sa aktres ang role na Darna dahil sa kaniyang fit na katawan at acrobatic moves.

Imahe mula sa Instagram (@chinitaprincess)

Hindi man nakasama ni Chiu ang kaniyang nobyong si Xian Lim sa Balesin, nag-bonding naman sila sa Taiwan noong Holy Week. Kasama nila ang ina at lola ng aktor.

Nag-enjoy ang Chinita Princess sa paglilibot at paglalaro sa ibang bansa.

Belated happy birthday, Kim!