Kapuso star Jennylyn Mercado umaming kabado sa pagsabak bilang special anchor ng “Chika Minute” dahil walang “take 2”




Larawan mula sa Facebook page ni Jennylyn Mercado

Bilang aktres sanay ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado na bumawi sa susunod na “take” kapag nagkamali.

Ngunit hindi ito ang kaso sa mga news programs, kaya inamin niyang kinabahan siya sa kauna-unahang pagkakataon na humalili siya kay Iya Villlana bilang anchor ng “Chika Minute” ng “24 Oras” noong Abril 15.

 

Larawan mula sa Facebook page ni Jennylyn Mercado

Sa isang report, sinabi ni Jennylyn na walang “take 2” sa news kaya kahit nasasabik siyang sumabak sa pagbabalita ng showbiz news, hindi niya maiwasang kabahan kapag nagkamali.

“Kinakabahan ako. Para tuloy hindi ako marunong magbasa bigla, ‘yung ganun, basta iba ‘yung feeling. Iba pala ‘pag news ‘no?” natatawang pahayag ng “Ultimate Star.”

“Wala nang take 2 eh, ‘di ba? Ito na ‘yun eh,” dagdag pa niya.

Ngunit sa kabila ng pagiging kabado, maayos na naitawid ni Jennylyn ang kanyang anchor duties sa gabing iyon. May bonus pa at bumilib sa kanya ang beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez.

Samantala, nagbabalik primetime ang Kapuso aktres sa bagong serye na “Love You Two” kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Kiray Celis, Shaira Diaz, at Solenn Heussaff.

Larawan mula sa Facebook page ni Jennylyn Mercado

Sa kanyang kauna-unahang pagsabak bilang special “Chika Minute” anchor, ibinahagi rin ni Jennylyn na ipinasok niya sa art class ni Solenn ang anak niyang si Jazz.

Ayon kay Jennylyn, naghahanap sila ng bagong mapagkakaabalahan ni Jazz nang mabanggit ni Solenn na nagsasagawa siya ng art class sa mga bata.

“Naghahanap kami ng bagong hobby ni Jazz na puwede niyang gawin tapos ‘yon, in-offer ni Solenn sabi niya ‘uy nagka-class ako ng kids sa art class tapos ginagawa niyang carpet’,” ani Jennylyn.

Source :

GMA, Youtube