Julia Barretto, willing mag-audition bilang Darna

Imahe mula sa Instagram (@juliabarretto)

Isa si Julia Barretto sa mga napupusuan ng fans upang gumanap sa role na Darna pagkatapos ianunsyo ni Liza Soberano ang kaniyang pag-atras sa pelikula dahil sa kaniyang injury sa daliri.

Nang tanungin tungkol dito, sinabi ni Barretto na willing siyang mag-audition bilang Darna at isuot ang two-piece red costume.

“I’ll do it. If there will be auditions, I will go to that audition in panty and bra and just do the thing,” sagot ng aktres sa panayam sa kaniya.

Imahe mula sa Instagram (@juliabarretto)

Nagpapasalamat din siya sa mga fans na nais siyang gumanap na Darna.

“Thank you so much for even thinking about me. I mean, it’s a huge thing, that’s huge. Thank you,” taos-pusong sabi ng aktres.

Sa ngayon ay busy ang aktres sa pagpo-promote ng pelikula nila ni Gerald Anderson na “Between Maybes” na ipalalabas sa mga sinehan sa May 15, 2019.

Naghahanda rin siya sa nalalapit niyang action film na “Block Z” kung saan makakasama niya ang nobyong si Joshua Garcia.

Imahe mula sa Instagram (@juliabarretto)

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring naghahanap ang ABS-CBN at Star Cinema ng aktres na gaganap bilang Darna.

Bukod kay Barretto, narito ang ilan pang mga aktres na nais ng mga fans na magsuot ng two-piece red costume ni Darna:

  • Nadine Lustre
  • Pia Wurtzbach
  • Maine Mendoza
  • Jennylyn Mercado
  • Jessy Mendiola
  • Yassi Pressman
  • Julia Montes
  • Kathryn Bernardo
  • Maja Salvador
  • Gabbi Garcia

Marami ring may gusto na ituloy ni Angel Locsin ang pelikula na siyang original choice sa proyekto. Ngunit hindi na interesado ang aktres.

Imahe mula sa Instagram (@therealangellocsin)

“Ayan na naman tayo eh. Sa totoo lang, of course, masaya ako sa pagmamahal na ibinibigay nila. Maraming salamat po sa pagmamahal, pero no,” sagot ng aktres.

“Hanggang ngayon, I’m still rooting for Liza siguro kaya ayaw ko ring mag-entertain ng thoughts kung sino ang maging next Darna.”

Hintayin na lang natin ang anunsyo ng ABS-CBN kung sino ang susunod na lilipad bilang Darna.

Source :

ABS-CBN, Rappler, MSN