Jessy to Luis: “You’re everything I hoped for”




Imahe mula sa Instagram (@senorita_jessy)

Nagdiwang ang TV host na si Luis Manzano ng kaniyang kaarawan noong April 21, 2018.

Bilang pagbati, nagpost ang kaniyang nobyang si Jessy Mendiola ng kanilang larawan na may kasamang mahabang mensahe sa Instagram.

“Happy birthday my love! I prayed to God for you. I asked Him to guide me and help me meet a man who would take care and value me, then he gave me you,” panimula ng aktres.

Imahe mula sa Instagram (@senorita_jessy)

“You’re everything I hoped for, maybe even more,” dagdag nito.

Binanggit din niya na malaki ang naitulong ng nobyo sa kaniyang buhay at pagkatao.

“You healed me in so many ways and gave me love when I thought I could never fall in love again. You taught me to be happy even when I’m constantly judged and misunderstood. You loved me even in my darkest days.”

Malaki ang pasasalamat niya na nakilala niya si Manzano at naging bahagi ng kaniyang buhay.

Imahe mula sa Instagram (@senorita_jessy)

“My eyes are welling up as I type this birthday message for you because my heart is so happy that I’ve found someone like you. You are a blessing to me and I will forever cherish what God has given us. Thank you for making me feel secure and loved every single day. I love you with all my heart.”

Taong 2016 nagsimula ang relasyon nina Manzano at Mendiola. Pinabulaanan ng TV host na nagkasabay ang relasyon nila sa dating relasyon niya sa ex-girlfriend na si Angel Locsin.

Ayon sa kaniya, single na siya noong January 2016. Nagsimula silang lumabas ni Mendiola noong April 2016.

Imahe mula sa Instagram (@senorita_jessy)

Naging opisyal ang relasyon ng dalawa noong June 2016.

Noong January 2019, sinabi ng TV host na ang kasalukuyang nobya ang nais niyang mapangasawa ngunit pinaplano pa raw niya ang kanilang future.

Ayon sa kaniya, “Madaling magpakasal, sobrang dali. Pero ‘pag nilatag mo na na magkakapamilya kayo, especially ngayon, ‘di ba? Be realistic. Okay, fine. Maganda ang buhay natin ng extra amount of years, pero paano ‘pag may nangyaring hindi maganda?”

Confident naman siya na sasagot ng “yes” ang nobya sakaling magpropose na siya.