“Iron Man” at iba pa, may mensahe sa mga Pinoy fans

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat ang ilang cast members at mga direktor ng “Av3ngers: Endgame” sa mga Filipino moviegoers at fans sa pamamagitan ng isang video message na inilabas nitong Biyernes, Abril 26, 2019 dahil sa box–office records ng naturang pelikula sa unang araw pa lamang nito noong Abril 24, 2019.

Ang mga cast members na nagbigay ng kanilang mensahe ng pasasalamat ay sina Robert Downey Jr., Jeremy Renner, at Brie Larson para sa mga avid Filipino fans at moviegoers na matatagpuan sa official Facebook page ng Marvel Studios.

Si Robert Downey Jr. ay gumanap bilang “Iron Man”, si Jeremy Renner naman ay nakilala bilang si “Hawkeye”, at si Brie Larson naman si “Captain Marvel”.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Labis–labis ang pasasalamat ni “Iron Man” sa mga Pilipinong sumubaybay sa lahat ng kanilang pelikula sa loob ng halos isang dekada.

“To our fans in the Philippines who have been deemed the biggest fans in Southeast Asia, from the bottom of my arc reactor he4rt, thank you for the overwhelming love and support you’ve shown to the MCU for the past 10 years.”

Nagpasalamat din ang dalawang magkapatid na direktor ng pelikula na sina Joseph at Anthony para sa mainit na suporta ng mga Pilipino sa American superhero movie.

Nakapagtala ng box–office record ang unang araw ng pagbubukas ng “Endgame” dahil tumabo sa 205.6 milyong piso ang kinita nito; nahigitan ang predecessor nitong “Infinity War” na tumabo naman ng 141.6 milyong piso sa takilya.

Simula nang lumabas ang teaser ng “Endgame” hanggang sa tuluyan na nga itong maipalabas ng halos 24 oras sa mga sinehan, patuloy at mainit itong pinag-uusapan ng mga Pilipino.

Nakiusap pa ang ilang mga netizens na huwag mag–spoil o idetalye sa mga social media platforms ang plot ng mga pangyayari, lalo sa mga hindi pa nakapapanood nito.

I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang video ng kanilang pasasalamat:

Larawan mula sa Facebook page ng Marvel Studios