Gurong naospital, nagbigay paalala: ‘Tayo ay hindi lamang guro, tayo din ay magulang, anak, kapatid, kaibigan’




Mga image mula kay Gladys Arenas Yabut-Lipata | Facebook

Hindi madali ang maging isang guro.

Bukod sa pagbabahagi ng kaalaman sa libo-libong mag-aaral ay marami pang tungkulin na dapat harapin sa napiling propesyon.

Real talk, ‘ika nga, ang post ni Gladys Arenas Yabut-Lipata sa kaniyang Facebook account kung saan marami sa mga netizens ang humanga at napukaw sa pinagdadaanan ng mga itinuturing nating ikalawang magulang.

Isa lamang si Gladys sa mga gurong sinubukang labanan ang pagod ng katawan upang tapusin ang mga nakatalagang gawain sa pagsasara ng taon sa eskuwela.

Imahe mula kay Gladys Arenas Yabut-Lipata | Facebook

Naospital si Gladys matapos makaramdam ng pananakit ng ulo, hilo, at pamamanhid ng mga kamay at paa habang nagpi-print ng RPMS. Hindi iyon ang unang beses na naranasan niya ang ganoong pakiramdam kaya naman agad siyang nakiusap sa kapuwa guro na dalhin na siya sa ospital.

“Una, sa private school na pinasukan ko habang nagche-check ako ng periodic tests ng apat na grade level na hawak ko. Tumaas din dugo ko. In private school we are not allowed to ask the students to check their papers. Kaya teachers’ burden pa rin.

Then, now sa public school, since kapapasok ko lang last November 2018. Na-culture sh0ck ako sa mga bagay-bagay. Pero kailangan mag-adjust dahil ginusto ko ‘to,” ayon kay Gladys.

I-click ang imahe upang mabasa ang buong post

Kahit nanibago ay ginagawa niya pa rin ang lahat upang gampanan ang mga tungkulin bilang guro nang lumipat siya sa pampublikong paaralan. Nakalulungkot lamang dahil kinailangan niyang maospital sa kabila ng pagpupursige niya na tapusin ang gawain.

“Sabi ng doktor sa stress, pagod nakuha. No need to give maintenance dahil di naman ako diagnosed na hypertensive. Iwasan na daw ang FORMS.

Kaya this may serve a reminder to all hardworking teachers. Hindi na po mababago ang bulok na sistema na meron tayo. Na pag makapal ang RPMS mo, mas magaling ka. That portfolio will not define what kind of teacher you are,” paliwanag ng guro.

“Mas malaki ang gastos sa ospital kesa sa PBB na makukuha! Kaya, hangga’t maari ay huwag nating dibdibin ang trabaho. Tayo ay hindi lamang guro, tayo din ay magulang, anak, kapatid, [at] kaibigan.

Pahinga. Kailangan natin yan!” pahayag ni Gladys.

Imahe mula kay Gladys Arenas Yabut-Lipata | Facebook

Hindi na nga napigilan ni Gladys na ibahagi ang kaniyang naranasan upang ipaalala sa mga kapuwa niya guro ang salitang “pahinga.”

Muli niyang ipinabatid sa lahat na maliban sa pagiging titser ay may iba pa silang papel na dapat harapin. Ito ay ang pagiging magulang, anak, kapatid, at kaibigan kaya’t maraming dahilan upang kalusugan ay pangalagaan.

Source :

Facebook