Four Celebrity kids na busy sa kanilang summer classes




Imahe mula sa Instagram

Naghahanap ka ba ng maaaring pagkaabalahan ng iyong anak tuwing summer?

Maaari mo siyang i-enroll sa summer classes tulad ng piano, singing, dancing, ballet, o swimming lessons.

Ayon sa pag-aaral, ang mga ganitong aktibidad ay makatutulong sa mga bata na maging independent at self-confident. Matututo rin sila kung paano makisalamuha sa ibang tao at makipagkaibigan.

Narito ang mga celebrity kids na busy sa kanilang summer classes:

Imahe mula sa Instagram (@dongdantes)

Zia Dantes

Unang ipinasok nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang panganay na anak na si Zia sa summer class noong siya ay 1 year old pa lamang. Twice a week siyang dinadala sa toddler school ng ina upang madevelop ang kaniyang social skills.

“Actually, about music pa lang naman, pakikipag-usap sa mga bata. Halos lahat naman ng mga kids ngayon nagsa-summer class talaga, siyempre para makatulong sa development nila. Siyempre, ayoko naman maging takot sa tao ang anak ko. More on personality development ‘yung ginagawa niya sa school,” paliwanag ng aktres kung bakit maaga nilang sinimulan ang pag-aaral ni Zia.

Ngayong 3 taong gulang na ang bata, naka-enroll naman siya sa swimming at piano lessons.

Imahe mula sa Instagram (@scarletsnowbelo)

Scarlet Snow Belo

Sinisigurado nina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho na matuto ang anak na si Scarlet ng maraming bagay.

Nag-aral siya ng Mandarin, swimming, at gymnastics. Ikinuha rin siya ng mga magulang ng piano, voice, at reading classes.

Sinigurado naman ng ama na isang lesson lang per week ang ginagawa ng anak upang hindi ito mapagod.

Imahe mula sa Instagram (@severianoelliott)

Seve Soriano

Sa vlog na “Chinese 101 with Seve,” tinuruan ni Winnie Wong ang anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano na magbilang at bumati gamit ang Mandarin.

Ayon kay Wong, “Since he is two years old, I completely understand that it’s important for him to just hear and associate words together. We’re just trying to have fun!”

Imahe mula sa Instagram (@officialjuday)

Luna Agoncillo

Ang anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay artist in the making naman.

“Her brush handling is amazing,” pagmamalaki ng ama.