Erik Matti, gusto si Nadine Lustre bilang ‘Darna’




Imahe mula sa Instagram

Kung papipiliin ang direktor na si Erik Matti, ang sikat na aktres na si Nadine Lustre ang gusto niyang gumanap sa papel na Darna.

Ito ay matapos umatras si Liza Soberano dahil sa kaniyang injury sa daliri na nakuha niya sa Kapamilya fantasy series na Bagani.

Imahe mula sa Instagram

Si Matti ang orihinal na direktor ng nasabing pelikula. Pinalitan siya ni Jerrold Tarog noong huling bahagi ng 2018.

“I really feel that Liza would have been a fresh and exciting Darna. She’s young and embodies a lot of potentials to create a modern take for this classic superhero character,” sabi ng direktor patungkol kay Soberano.

“After her, I only see Nadine Lustre so far as someone who can be Darna. Very sultry. She has a lot of female sensuality and at the same time still looks tough and very Filipina,” papuri ni Matti kay Lustre.

Imahe mula sa Instagram

“The key to casting Darna has always been someone who can look plain and ordinary in her Narda alter ego but can be tough, spunky, and can be very sexy as well when she transforms to Darna. Nadine can look all of that,” dagdag pa niya.

Sa hiwalay naman na panayam sa aktres, sinabi ni Lustre na masaya siya sa mga naririnig na rekomandasyon sa pagganap sa papel na Darna.

“I super appreciate that. For them to see me as a person who is strong and very empowered—Darna is a strong woman and nakikita nila sa akin yun, it’s good.”

Imahe mula sa Instagram

“I want to thank everyone for the support of course but Darna kasi, I am sure, it will be given to someone who is deserving for the role and someone who can really give justice.”

Inamin ng dalaga na matagal na niyang pangarap na makagawa ng action film.

“Something like [movies ni Angelina Jolie]. Basta may fight scenes. Something that’s gonna raise my adrenaline up.”

Ibinahagi ng dalaga na wala siyang bagong teleserye, ngunit may ginagawa siyang pelikula kasama si Sam Concepcion.

Abangan natin kung sino nga ba ang susunod na lulunok ng bato at sisigaw ng ‘Darna!’

Source :

Philstar, ABS-CBN