Dingdong, higit ang respeto sa mga ina matapos ang panganganak ni Marian kay Baby Ziggy




Image mula sa Instagram (@dongdantes)

Sinabi ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes na lalong lumaki ang kaniyang respeto sa misis na si Marian Rivera matapos niyang makita ang panganganak nito sa ikalawang anak nila na si Baby Ziggy.

“Kapag nagbi-birthday nga ‘yung isang tao, dapat sine-celebrate din ‘yun eh. Kakaibang respeto talaga lalo ang binibigay ko sa aking asawa dahil second child namin ‘yun. I also want to honor her because of all her sacrifices,” pahayag ng aktor sa press conference matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA 7.

Imahe mula sa Instagram (@dongdantes)

“Nandun ako, nakita ko eh. Kaya alam n’yo, as much as I celebrate the birth of my son, I also celebrate of course ‘yung l1fe ni Marian, celebrate for strength,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na susubukan niyang ibigay lahat ng kailangan ng asawa upang makabawi ito at maging komportable matapos ang panganganak.

Mas mabigat daw si Baby Ziggy kumpara noong ipinanganak ang panganay nila na si Zia.

“Iba siya, mahirap sabihin eh. It’s different in a way, kasi nung una, bago lahat. Dito siyempre may dagdag na hindi mo masabi. In terms of pain, si Marian lang ang makakapagsabi niyan. So like halimbawa nandoon kami sa delivery room pero nagwo-worry kami kung nasaan ‘yung anak namin (Zia), nasa bahay.”

Imahe mula sa Instagram (@marianrivera)

Ibinahagi rin ng aktor na tuwang-tuwa si Zia noong unang beses na makita ang kapatid.

“Niyakap niya agad. Sobrang higpit nga eh. Sabi ko ‘O huwag masyadong tight.'”

Isinilang ng Kapuso actress ang kanilang ikalawang anak ng asawa noong April 16, 2019.

Ayon sa post ni Dantes, inabot ng 10 oras ang labor ng aktres. Pinangalanan nila ang anak na Jose Sixto G. Dantes IV. Binigyan naman siya ni Zia ng palayaw na Ziggy.

Bago nanganak si Rivera, naikuwento niya na iba ang naging karanasanan niya sa pagbubuntis sa ikalawang anak. Palagi raw siyang inaantok at malakas kumain; kabaligtaran sa kaniyang unang pagbubuntis.

Apat raw ang target nilang anak ng asawa kaya hintayin natin ang susunod kina Zia at Ziggy!

Source :

GMA, Philstar