Dimples Romana, masayang paaralin ang mga kapatid




Imahe mula sa Instagram (@dimplesromana)

Hindi maitago ni Dimples Romana ang tuwa sa pagtatapos ng kaniyang bunsong kapatid sa high school.

Magkasama sila ng kaniyang ina sa pag-attend ng graduation ng kapatid. Nagpost siya sa Instagram ng mga larawang kuha sa mahalagang okasyon.

Malungkot man na hindi na nila kasama ang ama, masaya naman ang aktres sa pagkakataon na masuportahan niya financially ang kanilang pamilya.

Imahe mula sa Instagram (@dimplesromana)

“We don’t get to spend much time together dahil busy si Ate sa pag-asikaso sa mga kakailanganin niya for school and for college na paparating na this school year for her,” ang nilagay niyang caption sa kaniyang Instagram post.

Bukod sa bunsong kapatid na si Angeli, sinuportahan rin niya ang pag-aaral ng isa pang kapatid na si Bam.

“Naramdaman ko na ito nung kay @bamromana noon. Sobrang saya ng puso na hindi mo maintindihan. Halo halo na ‘yung saya, lungkot dahil sana kumpleto at nandito rin si Papa kasama ni mama na umakyat ng entablado para sa bunso namin. Pero ganun talaga, may plano si Lord sa lahat.”

“Hindi ko obligasyong paaralin ang mga kapatid ko. Hindi kailangan dahil kaya naman ni Mama, pero gusto ko. Gusto ko alam ng mga kapatid ko na mahal ko sila, na lahat gagawin ko para sa kanila.”

Imahe mula sa Instagram (@dimplesromana)

Pinasalamatan ng aktres ang bunsong kapatid sa pagpupursige sa pag-aaral. Nagbigay rin siya ng payo rito.

“Salamat, Be. Pinaalala mo sa akin ang saysay ng pagtatrabaho ko. Napawi ang pagod ko nitong mga nakaraang araw habang isinusuot ko sa’yo ang toga na pinaghirapan mo. Sobrang proud ko sa’yo, kaming lahat. Laban lang, Be. I understand that life has been a challenge, but know that walang challenge ang hindi napapagtagumpayan basta kasama ang pamilya. Hindi ka nag-iisa. Ate may not always be present in your everyday life, but my gift to you is to make sure you will have everything you need to build your own dreams. We’re right behind you.”

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong mahalaga sa kaniyang buhay.

Imahe mula sa Instagram (@dimplesromana)

“Thank you to mama for taking care of Angeli, to Bam for cheering her on. Thank you Papa sa paggabay mo sa’min from heaven. Thank you to my husband for still understanding and letting me give for my family. And special thank you to my KG and RNG family for letting me bring my sister to her graduation first before I board flight going to Bacolod.”

Sa huli, sinabi ni Romana na ang mga ganitong pagkakataon ay mahalaga upang paalalahanan siya kung bakit siya nagsusumikap para sa kaniyang pamilya.

“To balance keeping the family together and working almost every day is hard pero sa mga pagkakataong ito, I am reminded of why I do it in the first place. I will stand for as long as it takes, take on everything that will come my way. Father God, basta kasama kita. All for Your greater glory, Lord.”

May mensahe rin siya para sa mga nakatatandang kapatid na tulad niya.

“P.S. Sa lahat ng mga Ate at Kuya na tumatayong magulang din sa kanilang mga kapatid, dama ko kayo. Saludo mula sa isang kapatid na tulad ninyo.”