Catriona Gray, tampok sa Rice Paddy Art ng isang bayan sa Nueva Ecija

Mga larawan mula sa Facebook account ni Benjamin Sotto

Kinatuwaan ng mga netizen ang pagtatampok ng Philippine Rice Research Institute sa Munoz, Nueva Ecija kay Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos idibuho ang magandang mukha nito sa rice paddy art na unang nasilayan online noong Biyernes, Abril 12, 2019.

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang Benjamin Sotto sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng naturang rice paddy art, na talaga namang kamangha–mangha.

“Come and visit the Catriona Gray rice paddy art at FutureRice Farm, Phil Rice, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.”

Larawan mula sa Facebook account ni Benjamin Sotto

Ayon sa panayam ng Manila Bulletion Online kay Pamela Carbungco ng FutureRice Project, sinabi niyang ang depiction ng mukha ni  Catriona na may tagline na  “Rice UP PH” ay kombinasyon ng dalawang variety ng bigas na tumutubo sa bansa.

Aniya: “We used two kinds of rice to form the image: the ordinary green-leafed rice varieties and what we call purple rice (its leaves turn into dark purple as the rice plant ages). We pixelated a two-tone image of Catriona according to the size of our rice paddy and rice planting distance.”

Dagdag pa ni Carbungco: “We planted it on March 14 and since last week mas visible na ‘yung image. The image will be visible until May before we harvest the rice,” she said; explaining how they were able to form the image.

Nagsimula umano ang kanilang ideya ng pagbuo ng rice paddy art noong 2015 na nagtuloy–tuloy na hanggang sa kasalukuyan.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Benjamin Sotto

Ginagawa umano nila ang proyektong ito upang mahikayat ang mga “non-farmers”, lalo na ang kabataan, upang mabuksan ang kamalayan nila sa kahalagahan ng pagtatanim ng palay, at epekto nito sa industriya at turismo.

Nang magsimula sila noong 2015, ilan sa mga depictions na nagawa na nila ay ang “AlDub” na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin, “KathNiel” na kinabibilangan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at maging ang pambansang bayaning si “Dr. Jose Rizal”.

Nariyan din ang mga rice ambassadors na sina  “Piolo Pascual”, “Manny Pacquiao”, at ang dalawang pinakamataas na pinuno ng Pilipinas na sina “VP Leni Robredo” at “Pangulong Rodrigo Duterte”.