Catriona Gray, itinanghal na ‘Sexiest Woman Alive’ of 2019 ng isang magazine




Larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray at Philippine News Agency

Matapos pabilibin ang buong kalawakan sa kanyang ganda, husay, at talino, ngayon naman ay nasungkit ni Miss Universe 2018 ang titulong ‘Sexiest Woman Alive’ sa buong Pilipinas ayon sa Esquire Philippines.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng Esquire na ang 25-year-old Filipino-Australian ang itinanghal na sexiest Filipina para sa taong 2019 – at ito;’y dahil sa kanyang angking kagandahan – inside and out.

Larawan mula sa Esquire Philippines

“The sensuous and intelligent Catriona Gray – Esquire Philippines’ Sexiest Woman Alive 2019 – makes us believe that God is a woman,” ayon sa post ng Esquire.

Makikita ang larawan ni Gray, na siyang cover din ng nasabing magazine, na kinunan sa isang bath tub habang suot ang isang one-piece bikini.

Ayon sa profile na isinulat ng Esquire para sa kanilang website, isa sa mga katangiang nakita nila kay Gray para tanghaling sexiest woman alive ay ang kanyang pagiging independent sa Miss Universe journey niya.

Larawan mula sa Esquire Philippines

“She ran as an independent in a bi-partisan system, handpicking her own coterie of trainers, mentors, designers, and stylists,” paglalahad ng artikulo ng Esquire.

Dagdag pa sa profile na isinulat ng Esquire para kay Gray, kahanga-hanga rin daw ang kagustuhan ng Miss Universe 2018 na manalo sa mga kompetisyong sinalihan, kahit na nabigo ito sa pagsungkit ng korona bilang ikalawang Miss World mula sa Pilipinas noong 2016.

“After her Miss World bid 2016 where she made it to the top five… Catriona decided to go rogue when she entered Binibining Pilipinas and eventually Miss Universe. She was smart, she was creative, so why shouldn’t she have more of an input in determining her own path to the crown?” ayon sa Esquire.

Larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Kasama rin sa konsiderasyon ng Esquire sa paghirang kay Gray bilang pinakamaalindog na babae sa buong bansa ang naging adbokasiya nito sa pagtulong sa mga kabataan na makapag-aral at magkaroon ng matiwasay na pamumuhay.

Sa mga nakaraang taon, hinirang din na Sexiest Woman Alive sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, actress and model Solenn Huessaff, at journalists Karen Davila at Maria Ressa.

Source :

Facebook, Rappler