Batang lansangan, ibang klase ang pagmamahal sa alagang aso




Imahe mula sa Facebook ni Mary Mae Dela Cerna

May nadaanan ka na bang aso o pusa sa kalsada? Ano ang iyong naramdaman nang makita ang kaniyang kalagayan? Naisip mo ba kung nagugutom ito o nawawala? May ginawa ka ba  upang matulungan ito?

Nakalulungkot man, marami sa atin ang hindi pinapansin ang mga ganitong bagay. Kadalasan ay inuuna natin ang ating pangangailangan bago magbahagi ng tulong sa iba. Ngunit ang mga pangangailangan na iyon ay tila hindi nauubos kaya sa huli, hindi na rin tayo nakapagbabahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Kaya lubos na kahanga-hanga ang mga taong salat sa pera ngunit marunong magbahagi ng kung anong mayroon sila.

Tulad na lamang ng isang bata na nakuhanan ng larawan habang tinitimplahan at pinaiinom ng gatas ang isang tuta.

Imahe mula sa Facebook ni Mary Mae Dela Cerna

Nakaupo sila sa tapat ng Tiamo Hotel and Service Apartment na matatagpuan sa Vietnam.

Hindi malinaw kung siya ay batang lansangan o nakatira malapit doon. Ang mahalaga ay marunong siyang magbahagi ng kung anong mayroon siya—marami man ito o kaunti.

Alam niya kung ano ang pangangailangan ng tuta at ibinigay niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

Marami ang humanga at naantig ang puso sa ginawa ng bata. Narito ang ilang mga komento ng mga netizens:

“He lacks, but he can still share what little he has. You are a remarkable child. God bless you, child!”

“I was moved! No matter how difficult life is, he still manages to care for others who are needy, too. God bless you and your little baby.”

“Good job, little boy!”

Imahe mula sa Facebook ni Mary Mae Dela Cerna

“This breaks my heart.”

“You have a pure heart, kiddo!”

“So sweet. Kindness doesn’t cost a thing.”

Siguradong babalik ang pag-aalaga ng bata sa kaniyang tuta. Ang mga ganitong tao ay pinagpapala.

Sana ay patuloy na maging mabuti ang kaniyang puso. Sana rin ay marami pang bata na maging tulad niya na marunong magbahagi ng oras, atensyon, pag-aalaga, at pagmamahal.

Source :

Facebook