Bakit nga ba nagkalabuan sina JM de Guzman at Barbie Imperial?

Imahe mula sa Instagram

Marami ang nakapansin sa sobrang sweetness sa pagitan nina JM de Guzman at Barbie Imperial habang ginagawa nila ang kanilang afternoon drama na “Araw Gabi.”

Ito ang unang beses na nagtambal ang dalawa sa isang programa na kanila pang pinagbidahan.

Nanatili ang kanilang closeness ilang buwan matapos ang nasabing programa.

Imahe mula sa Instagram

Ngunit biglang naging kapansin-pansin ang coldness sa pagitan ng dalawa. Lalo na noong nagpost sa Twitter ang dalaga ng mga katagang, “Young but not stupid.”

May mga nakapansin rin na hindi na nila fina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Image mula sa Twitter

Sa panayam sa aktor sa “Tonight with Boy Abunda” noong April 10, 2019, nagbigay ng kaunting paliwanag si De Guzman.

Sinabi niya na sinubukan niyang ligawan ang batang aktres nang matapos ang kanilang afternoon drama.

“I told her baka pwede nating i-try pero maging magkaibigan muna tapos tingnan natin kung pwede bang may mangyari or something.”

Imahe mula sa Instagram

Ngunit paliwanag ng aktor, nakaapekto sa kanila ang pressure sa kani-kanilang trabaho.

“Siya, kaka-launch lang. Ako, kababalik lang. Hindi nag-work.”

Wala pa raw one month inabot ang kanilang pagliligawan.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni De Guzman na hindi muna siya naghahanap ng pag-ibig sa ngayon.

Imahe mula sa Instagram

“‘Yung mga blessings ngayon na ibinibigay sa akin, kailangan ko muna sigurong pagtuunan ng pansin. At maibigay ko ‘yung 100% focus ko to reach my goals for my family, for myself. ‘Yun muna saiguro.”

Nang tanungin kung may gagawin ba sila ulit na proyekto ni Imperial, ito ang sagot ng aktor: “So far, wala pa pong nababanggit sa akin. May sariling career path yata si Barbie and ako. Siguro in the future.”

Ayon naman kay Imperial, magfo-focus muna siya sa kaniyang magandang karera sa showbiz kaya pahinga muna pagdating sa buhay pag-ibig.

Imahe mula sa Instagram

“Kasi marami rin po ang nag-a-advise sa akin. Mga ate, tito, tita na parang nandito na po ako, huwag ko nang sayangin ito. Kasi nakita nila kung paano ako dati ma-in love at mini-make sure ko na kapag na-in love ako ay ibang barbie na,” kuwento ng aktres.

Nilinaw niya rin na bagama’t hindi sila nag-uusap ng dating kapareha ay nananatili silang magkaibigan.

Malaki rin ang kaniyang pasasalamat kay De Guzman dahil nakatulong ito sa kaniyang pagganap na leading lady sa natapos na afternoon drama.

“Kung wala naman si JM, hindi naman ako magiging leading lady. Kung wala naman si JM, hindi naman ako makukuha bilang Michelle Verano sa ‘Araw Gabi.’ So thankful ako na dumating siya.”

Source :

ABS-CBN, PEP