Anak, nag-tweet ng tulong para sa amang iskultor




Imahe mula sa Twitter (@alexayoww)

Noong March 2, 2019, naisipan ni Alexa Magboo na magpost sa Twitter upang humingi ng tulong para sa kaniyang ama na si Rolando “Lan” Magboo.

Screenshot ng tweet ni Alexa Magboo (@alexayoww)

“Please retweet. Kailangang-kailangan lang ng client ng Papa ko kasi wala na kaming ibang source of income. No work, no pay! Wanna share my Papa’s works! For more pics po, kindly search Lan Magboo on FB! Thank you so much and God bless!!” aniya sa kanyang post.

Ipinost niya rin ang ilan sa mga gawa ng kaniyang ama na iskultor upang makita ng mga tao kung gaano kagaling ang ama.

Imahe mula sa Twitter (@alexayoww)

Hindi niya inakala na maraming magkokomento at magreretweet ng kaniyang post.

Ayon sa kaniya, nag-tweet siya dahil naaawa siya sa mga magulang. Ngunit hindi niya inakala na magte-trending ang kaniyang ginawa.

Upang lalong makatulong, ginawan niya rin ng Facebook page (The 3DC Sculpture) ang kaniyang Papa kung saan nakapost ang mga gawa nitong iskultura.

Screenshot ng Facebook page ng The 3DC Sculpture

Isa ang TV at radio anchor na si Julius Babao sa mga tumugon sa kaniyang paghingi ng tulong para sa ama. Nafeature ang ama at mga gawa nito sa “Mission Possible” ng ABS-CBN.

“Kilalanin ang iskultor at toy maker na si Rolando Magboo. Humina ang kaniyang career at negosyo dahil sa iba’t ibang mga problema. Subalit sa tulong ng Mission Possible, muling babalik ang kinang sa kaniyang sining. Abangan ang kuwento mamayang 9:30 p.m. sa DZMM Teleradyo at pagkatapos ng Bandila.”

Imahe mula sa Instagram (@juliusbabao)

Nagpagawa rin si Babao ng iskultura ni Padreo Pio para sa Holy Week na labis niyang nagustuhan. Ipinost niya ito sa kaniyang sariling Instagram page.

“I commissioned artist Lan Magboo to create this sculpture of Saint Pio in time for the Holy Week! I am happy with the outcome! Thank you, Lan! You may get in touch with him at +63 906 658 1847.”

As of April 28, 2019, mayroon nang 36,900 retweets at 35,800 likes ang orihinal na post ng anak.