Video ng mga musikerong pulis ng Rizal Police Provincial Office, trending sa social media

Screenshot mula sa video ng Rated K

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang video ng mga musikerong pulis ng Rizal Police Provincial Office na ngayon ay umabot na sa mahigit apat at kalahating milyon ang views.

Kinilala ng Rated K ng ABS-CBN ang mga miyembro ng police band na sina Police Officer 1 (PO1) Christian Cantanero na drummer ng grupo, PO1 Rechillos Benaid bilang bass guitarist, PO1 Michael Angelo Ordanes ang rhythm guitarist ng banda, PO2 Rainier Olino na lead guitarist, PO2 Chaliemagne Candelaria bilang bokalista at PO1 Ralph Ellarina na bokalista rin.

Screenshot mula sa video ng Rated K

Tinawag ng mga pulis ang grupo nila na Rizal PPO Band.

Ayon sa grupo nabuo ang banda nila noong maglabas ng isang memo ang Philippine National Police Head Office sa Camp Crame na magbuo ng banda sa bawat police provincial office. Anila, ang Rizal PPO Director nila noon ay si Senior Superintendent Rolando Anduyan na siyang bumuo ng banda nila.

Kuwento ni PO2 Olino sa Rated K, isang dream come true daw para sa kanya ang mapabilang sa banda ng mga pulis. Aniya, bago siya pumasok sa pagpupulis ay miyembro siya ng isang rock band; kaya nang binuo ang Rizal PPO Band ay hindi siya nagdalawang isip na sumali sa grupo.

Screenshot mula sa video ng Rated K

“Noong mag-pulis ako, tinago ko na ‘yong gitara ko. Syempre pulis na eh … busy na. Pero talagang pag musician ka lalapitan ka ng music,” anang Rizal PPO Band lead guitarist.

Dagdag niya, mas pusigido raw siya sa kanyang trabaho ngayon at nag-eenjoy lalo na kapag may tugtog ang grupo nila.

Screenshot mula sa video ng Rated K

Ayon sa babaeng nakapanayam ng Rated K, magagaling tumugtog at kumanta ang Rizal PPO Band. Sabi naman ng isa pang nakausap ng programa, mabuti na raw na may mga bandang pulis dahil masaya naman ang mapapanood ng mga tao kaysa karahasan.

Source :

ABS-CBN, Facebook