Unkabogable star Vice Ganda, “most followed Filipino celebrity” sa Twitter




Mga imahe mula sa Instagram account ni Vice Ganda

Isa na yata ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga Pinoy celebrity na may pinakamalaking fan base at may pinakamatatagumpay na proyekto ; mapa–tv show, pelikula, o concert man.

Nakatutulong din sa isang celebrity upang lalong sumikat ang mga social media platforms gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram. Nagagawang masundan ang pang–araw–araw na ganap sa kanilang buhay, at libre pa ang promotion ng kanilang mga proyekto.

Mga imahe mula sa Instagram account ni Vice Ganda

Ipinahayag ni Vice ang kanyang katuwaan sa kanyang Twitter at Instagram account dahil umabot na sa mahigit 12 milyon ang kanyang mga followers sa Twitter. Nangangahulugan lang na siya na ang “most followed Filipino” sa naturang social media platform.

“Kavogue!!!!! 12 Million followers. ibuuuuuhhhh!!! Budol is real! chozzzzzz!! Seriously MARAMING SALAMAT PO for making me the most followed Filipino on Twitter!!! Hayabayabayu!!!!”

Mga imahe mula sa Instagram account ni Vice Ganda

Sanay naman si Vice sa mga “most” dahil matatandaang ang mga pelikula niya ay inihanay sa “top-grossing films of all time”. Ang latest nga riyan ay ang “Fantastica” kasama sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na entry sa Metro Manila Film Festival o MMFF noong 2018.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga tagahangang netizens ni “Meme Vice”.

“Congrats Vice!! You never know many minds you inspired and lifted their spirits through your funny antics and being real and true to yourself!! Keep it up Viceral!!!”

“Congrats mommy!!!! Love you!!! Thank you for always making me happy while watching you at It’s Showtime.”

“Nakakaadik kang panoorin, my day is not complete if I don’t watch you in your show. God Bless you and stay humble.”

Laging sinusundan ng mga netizens ang mga posts ni Vice Ganda, lalo na ang kanyang makulay na love life. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang relasyon niya umano kay Ion Perez o mas kilala bilang “Kuya Escort” na kabilang sa ‘It’s Showtime.”

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina Vice Ganda at Ion Perez

Congratulations, Meme Vice!