Trailer ng “Avengers: Endgame” inilabas na!




Imahe mula sa Google Image Public Domain

Inilabas na ang pinakaaabangang trailer ng “Avengers: Endgame” noong Huwebes, Marso 14, 2019 na agad pinag–usapan ng mga netizens at avid viewers ng Avengers.

Imahe mula sa Google Image Public Domain

Batay sa ipinakita ng trailer, pangungunahan pa rin nina Iron-Man (Robert Downey Jr.), Captain America (Chris Evans), at iba pang natitirang Avengers ang paggapi sa naging pinakamakapangyarihan nilang kalaban na si Thanos.

Makakasama na rin ng Avengers si Captain Marvel na ginampanan ni Brie Larson, na nagkaroon ng solo movie nitong Marso 2019.

Ang “Avengers: Endgame” ay part 2 ng kontrobersyal na “Avengers: Infinity War” kung saan marami sa mga Avengers ang nawala dahil kay Thanos, sa pag–angkin niya sa anim na “infinity stones.”

Ang Avengers ay isang American superhero film na nakabatay sa Marvel Comics superhero team “The Avengers”, na prinoduce ng Marvel Studios sa pamamagitan ng Walt Disney Studios Motion Pictures.  Idinirehe ito nina Anthony at Joe Russo at ang screenplay naman ay sina Christopher Markus at Stephen McFeely.

Ang bigating cast nito ay sina “Robert Downey Jr. bilang Iron Man”, “Chris Evans bilang Captain America”, “Mark Ruffalo bilang Hulk”, “Chris Hemsworth bilang Thor”, “Scarlett Johansson bilang Black Widow”, “Jeremy Renner bilang Hawkeye”, “Don Cheadle bilang War Machine”, “Paul Rudd bilang Ant Man”, “Brie Larson bilang Captain Marvel”, “Karen Gillan bilang Nebula”, “Danai Gurira bilang Okoye”, “Benedict Wong bilang Wong”, “Jon Favreau bilang Harry Hogan”, “Bradley Cooper bilang Rocket”, “Gwyneth Paltrow bilang Virginia”, at  “Josh Brolin bilang Thanos”.

Imahe mula sa Google Image Public Domain

Number 2 trending video agad ang trailer nito sa YouTube channel na umabot na sa mahigit 45.5 million views. Nagpahayag ng labis na katuwaan at pagkasabik ang mga Pilipinong tagasubaybay ng naturang pelikula. Nakatakda itong ipalabas sa Pilipinas sa darating na Abril 2019.

“Oh my gosh! I’m so excited!!! Sana ibalik na ‘yung mga nawala! Crash Thanos!!!”

“Will definitely watch this film. Can’t wait to see Captain America again.”

“I think, this is the movie of the year! Kailangan ko nang tipirin ang sweldo ko para may budget pang–sine. Mas magandang panoorin ito sa big screen.”

Panoorin ang trending na trailer ng “Avengers: Endgame” via YouTube channel: