Summer Feels: Angelica Panganiban, “toxic–free” sa Boracay

Mga imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sinamantala ng mahusay na aktres na si Angelica Panganiban ang break mula sa taping ng kanilang teleserye sa pamamagitan ng “Boracay vacay” kasama ang mga kaibigan at kasamahan sa Sunday gag show na “Banana Sundae” na sina Pokwang, Ryan Bang, JC De Vera, Pooh, at Ritz Azul.

Kitang-kita kay Angelica ang pag-e-enjoy sa “Vitamin Sea” ng Boracay habang suot ang mga swimsuits na bumagay sa kurbada ng kanyang katawan, at ipinakikita ang “best summer looks”,  batay sa kanyang mga Instagram posts. Isa sa mga larawan niya ay may caption na “Realizing you are now toxic–free.”

Mga imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Naganap ang naturang getaway sa pagtatapos ng teleseryeng “Playhouse” noong Marso 22, 2019, katambal si Zanjoe Marudo. Muli niyang nakatrabaho sa nagtapos na teleserye ang ex–boyfriend na si Carlo Aquino, pagkatapos ng kanilang pelikulang “Exes Baggage.”

Sa presscon ng “Playhouse” noong Marso 12, 2019, inamin ni Angelica na hindi sila “in good terms” ni Carlo, at ayaw na muna niya ulit itong makatrabaho. Sa hindi malinaw na dahilan, nagkaroon ng ispekulasyon ang maraming mga tagahanga at tagasubaybay ng dalawa na muntik na umanong magkabalikan ang dalawa, subalit nahuli ni Angelica si Carlo na may ka–date na ibang babae noong Enero 2019.

Mga imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa kabila ng mala-tsubibong takbo ng buhay-pag–ibig ni Angge, nananatili pa rin itong positibo sa buhay at mapagpasalamat sa mga dumarating na proyekto sa kanya sa ABS–CBN Kapamilya Network.

Samantala, nagpahayag naman ng mga positibong mensahe ang mga netizen para kay Angelica.

” ‘Heyyy.. ako nga pala yung sinayang mo’ pose… I’m your forever fan po!”

“I love you Angge… one of my birthday wish is for you to finally meet your true love… you are an inspiration to me… all your interviews make me laugh and cry but inspires me deeply…”

“Ang lungkot ng mga mata mo, same aura nong nasa GGV ka. You show smile but then ramdam ko lungkot mo… hope na yung vacation mo help you to be happy again…”

Mga imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Si Angelica Panganiban ay regular pa ring mapapanood sa “Banana Sundae” tuwing Linggo ng hapon, pagkatapos ng “ASAP Natin ‘To”.