So soon? Nicolas Cage nag-file ng annulment apat na araw pa lang matapos ikasal kay Koike




Imahe mula sa Nicolas Cage Instagram account/Screenshot from TMZ via You Tube

Opisyal nang naghain ng annulment ang Hollywood actor na si Nicolas Cage laban sa kanyang misis apat na araw makaraan ang kanilang pagpapakasal.

Sina Cage at makeup artist Erika Koike ay nag-apply ng wedding license at nagpakasal nito lamang  Marso 23 sa Las Vegas, Nevada. Nakagugulat na itong Marso 27 lamang ay agad na ring nag-file ng annulment ang aktor.

Ito ang ikaapat na pagpapakasal ng 55-anyos na aktor at ang pinakamaikli.. Magugunitang noong 2002 ay nagpakasal ang aktor kay Lisa Marie Presley na tumagal lamang ng 108 araw bago tuluyang naghiwalay.

Ayon sa ulat ng TMZ, sina Cage at  Koike ay namataang nagtatalo sa Las Vegas hotel Bellagio.

Wika ni Cage, fraud umano ang kanilang pagpapakasal dahil hindi ibinunyag ni Koike ang: “full nature and extent of her relationship with another person.” Hindi rin binanggit ang crimin4l history nito.

Imahe mula sa Nicolas Cage Instagram account

Pinangatwiranan din ni Cage ang kanilang hindi pagkakatugmang dalawa: “such conflict in personalities and dispositions that are so deep as to render the two incompatible in marriage.”

April 2018 nang magsimulang mag-date sina Cage at Koike.

Si Cage ay nauna nang ikinasal kay Patricia Arquette, mula 1995 hanggang 2001, at Alice Kim, mula 2004 hanggang 2016. May dalawang anak ang aktor: ang 28-anyos na si  Weston Coppola Cage, na ang ina ay ang dating long-term partner ni Cage na si Christina Fulton; at pangalawa si Kal-El, na ang ina ay si Kim.

Imahe mula sa Nicolas Cage Instagram account

Si Cage na pamangkin ng kilalang director na si Francis Ford Coppola ay bumida na rin sa Hollywood blockbusters tulad ng Moonstruck, National Treasure at ang critically acclaimed Spider-Man: Into the Spider-Verse — ang 2019 Oscar winner for best animated feature.

Ang marriage nina Cage at Koike ay 18 times na mas maikli kumpara  sa kasal ni Kim Kardashian West sa kanyang ikalawang mister na si Kris Humphries.

Source :

TMZ, CNN, The Guardian