Simula ng klase Hunyo 3 – DepEd

Imahe mula sa Front Page 101

Magsisimula pa lamang ang bakasyon para sa mga estudyante ay nag-anunsyo na ang Department of Education (DepEd) ng simula ng pasukan para sa taong panuruan 2019-2020.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, Hunyo 3 ang simula ng pasukan para sa taong panuruan 2019-2020.

Imahe mula sa UNTV

Ang petsa ng pasukan ay alinsunod sa  Republic Act No. 7797 o “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) days to not more than Two Hundred Twenty (220) Class Days,”  ayon sa DepEd — na ang unang araw ng klase sa public elementary at secondary schools sa bansa ay sa Hunyo 3, Lunes .

Nakasaad sa RA 7797, Section 3: Ang school year ay magsisimula sa unang Lunes ng Hunyo ngunit  hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.

Kinumpirma rin ni DepEd Undersecretary for Planning and Field Operations Jesus L. R. Mateo ang petsa ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paarlan.

Kaugnay dito, upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo, inanunsyo ng DepEd ang paglulunsad ng Oplan Balik Eskwela (OBE) para sa taong panuruang 2019-2020.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones sa  DepEd memorandum na ang gawaing ito’y magsisimula sa Mayo 27 hanggang Hunyo 7, 2019.

Sa memorandum na nilagdaan nitong  Marso 13, 2019, sinabi ni Briones na ang gawaing ito ng ahensiya’y: “will engage agencies, organizations, and all other stakeholders in preparation for the opening of the school year.”

“The OBE is part of the Department’s efforts to ensure that learners are already properly enrolled and able to attend school by the first day of classes,” ani Briones sa memo.

Samantala, nababahala rin ang DepEd sa pagkukuhanan ng pondo para sa pasahod ng nasa 80,000 gurong tatanggapin ngayon ng ahensiya dahil kasalukuyan pa ring hindi naaaprubahan ang 2019 budget.

“There’s no funding allocation for these newly hired teachers because we are only given a funding allocation for the 2018 level, so you can imagine…our budget does not include our newcomers,” ayon kay Education Undersecretary Annalyn  Sevilla.