San Miguel Corp magpapagawa ng mga kalsada gamit ang mga recycled plastics

Public domain

“Very promising” ang proyekto at tiyak na kapaki-pakinabang sa lahat.

Ito’y tumutukoy sa proyekto ng San Miguel Corporation kaugnay sa pagpapagawa ng mga kalsada mula sa recycled plastics upang mabawasan ang basura.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang mga hard-to-recycle na plastik ay gagamitin bilang alternatibong input na raw materials upang malagyan ng aspalto ang mga kalsada.

Sinabi rin ng SMC na hihingiin nila ang tulong ng  material science company  na Dow Chemical para sa proyekto.

Public domain

Ilan sa mga benepisyo ng paggamit ng mga recycled plastics sa pagpapaayos ng mga kalsada, ayon sa inilabas nilang statement, ay “improved stability and durability, increased skid resistance, longer roads lifespan, lower asphalt costs and less waste.”

Ayon kay SMC president at COO Ramon Ang: “Developing roads using plastics that would have otherwise ended up in landfills or our bodies of water is an environment-friendly method of disposing of scrap plastics.”

Public Domain

Dagdag pa nito: “We can help our environment and at the same time improve the quality of our infrastructure projects. We are eager to begin this initiative.”

Susubukan ng SMC ang teknolohiya sa mga maliliit na  kalsada sa munisipyo, mga bangketa at mga paradahan. Sa sandaling mapatunayan na ito’y epektibo, ito ay kanilang iro-roll out  sa mas malaking proyekto sa imprastraktura.

“While we are proud to be the first-mover in this area, we are very hopeful that we won’t be the last or the only ones. The research is there and available to everyone, and we’ll be glad to share our own processes and experience. At the end of the day, this kind of innovation will benefit the same environment we all share,” wika pa ni Ang.

Minsan na ring nagamit ang ganitong pagpapatayo ng mga kalsada sa parehong teknolohiya sa India, Indonesia, at Thailand kaya’t inaasahan na ito’y magiging epektibo rin sa ating bansa.