“Saan makararating ang 5 pesos mo?”: Pasyalan ang “Little Boracay” ng Luzon

Mga larawan mula sa Facebook page na Pamilyang Gala/Google Image Public Domain

Summer vacation na naman, kaya’t excited ang bawat isa, barkada, o pamilya sa pag–iisip at paghahanap kung saan magbabakasyon upang makapag–unwind. Kailangang sulitin ang summer getaway nang hindi butas ang bulsa.

Kaugnay dito, alam mo bang sa halagang limang piso, maaari ka nang magtampisaw sa dagat nang bonggang–bongga at saglit na kalimutan ang iyong mga problema?

Makikita sa Facebook page na “Pamilyang Gala” ang pagtatampok sa Tondol. Solo traveller ka man, kasama ang tropa o buong pamilya, halina’t magtungo sa munting paraiso ng Tondol, Anda, Pangasinan.

Mga larawan mula sa Facebook page na Pamilyang Gala

Limang piso lamang kada tao ang entrance fee rito, libre ang parking area, at ligtas sa mga bata. Tinagurian itong “Little Boracay” dahil sa mga pino at puting buhanginan nito na kahalintulad sa Boracay, at “Maldives of the North” dahil sa sandbar nito na kahawig sa Maldives.

Idinetalye sa naturang Facebook post ang iba’t ibang mga ruta kung paano makararating sa Tondol, cottage rental fee, at iba pang mga reacreational activities na maaaring gawin sa naturang beach.

Mga larawan mula sa Facebook page na Pamilyang Gala

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Maraming nagpatotoo sa kagandahan ng Tondol, at may ilan ding hindi ito nagustuhan.

“Sa mga may balak po na bisitahin or mag–swimming diyan, masaya po siya para sa mga bata kasi medyo malayo yung tubig lalo na kapag low tide… so baka po mga bata lang mag–enjoy. Better po na mag–set na din kayo ng pwede niyong paglaruan or paglibangan. And about po sa sand, true na true po na pinong–pino yung sand d’yan…”

“Worth it mapuntahan ang lugar na ito. Every time na uuwi kami ng Anda, we always make sure na pupunta kami dito. Sobrang linis ng tubig at ang pino ng buhangin.”

“Yes, this beach is kid-friendly. Maganda rin siya. But not recommended for group of adults if you don’t want to be bored.”

“Yung ang ganda sa picture at caption pero pagdating mo d’yan! NGANGA!”

Kahit saang beach man mapadpad, tiyakin pa rin ang seguridad ng lahat!

Mga larawan mula sa Facebook page na Pamilyang Gala