Reaksyon ng netizens kaugnay sa pagpapalaki ng plaka ng mga motorsiklo, idinaan sa memes

Imahe mula sa Hanep TV Facebook account

Hindi naging madali ang pagtanggap ng mga motorcycle rider sa Republic Act no. 11235 o ang Motorcycle Crim3 Prevention Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 8.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga bagong plaka ay dapat na malaki,  colorcoded at kabasa-basa mula sa layong at least 15 metro. Ang Land Transportation Office (LTO) ang nakatalagang mabigay ng color coding ng plaka sa  bansa.

Bago pa man maisabatas ay katakot-takot na protesta na ang idinaos ng iba’t ibang motorcycle riders clubs lalo na sa Kamaynilaan.

Sa kasalukuyan ay inaayos na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) na inaasasahang ilalabas sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito dahil nga sa likas na ‘masayahin’ ang mga Pinoy ay ginawa na lamang katatawanan ang bagong batas na ito sa social media; isang paraan ng paggamit ng Pinoy humor upang maipabatid ang saloobin hinggil sa usapin.

Sa Facebook post ng Hanep TV, ibinahagi nito ang ilang mga memes kaugnay sa Motorcycle Crim3 Prevention Law.

Ayon sa post: “Pinoy tayo eh.. hindi papatalo sa kalokohan ng mga senador! haha!”

Sa larawan ay makikita ang malaking lisensya  na ipinakita ng rider nang ito’y sitahin.

Imahe mula sa Hanep TV Facebook account

Kung lalakihan din lang ang plaka, lakihan na rin daw ang mga helmet para lubus-lubos na.

At kung malaki na ang plaka, dapat umanong ibagay ang motorsiklo; lakihan na rin!

Imahe mula sa Hanep TV Facebook account

Marami kasi ang hindi sumasang-ayon sa batas hinggil sa pagpapalaki ng plaka upang diumano’y maging isang solusyon laban sa krim3n. Idinaan na lamang ng ilang mga social media users sa memes ang kanilang saloobin hinggil dito.

Umani ng pansin ang post sa social media kaya naman kasabay nito ang pagbuhos ng mga komento ng mga netizens hinggil sa palakihan:

“Palakihan din ng kalsada or highway kung palakihan rin lang.”

“Sige gusto nila ganyan helmet? Basta dalawang tao nasa loob ng helmet.”

May ilang netizens naman ang nagpahayag ng kanilang opinyon hinggil sa isyu:

“Regular na plaka ang TAGAL ibigay sa mga nagparehistro…maLAKI pa kaya?”

Kahit balutin pa ang motor ng plate number kung peke naman ang gamit at ninakaw ang motor paano mahuhuli yun..Police visibility at CCTV sa bawat kalye with proper monitoring system, gaya ng Davao o ibang bansa, dapat ‘yan ang isinulong isabatas, hindi yang RA 11235 na walang kwenta, pahirap lang sa mga riders yan.”

“Dapat iyong mayayaman na ‘yan na maraming sasakyan, bawasan, isabatas malaki or maliit ang pamilya mo, mayaman ka man or mahirap dapat tatlo lamang ang sasakyan mo para iwas trapic, at kung mag-isa ka lang ‘wag ka na mag-kotse mag-commute ka na lang! Kung malapit lang naman pupuntahan mo maglakad ka na, nakapag-exercise ka pa, ‘di ba tama? Tapos yung maraming sasakyan na yan ay dalhin sa Pampanga, durugin at ipakilo ang bakal.”

Source :

Facebook, Top Gear, Balita DF