Power up: NBA dream ni Kai Sotto pagsusumikapan pa niya

Imahe mula sa Kai Sotto Facebook account

Kabilaan ngayon ang alok sa 7-foot-2 prodigy ng Ateneo Blue Eaglets na si Kai Sotto mula sa mga European teams ngunit anuman ang kanyang maging desisyon ay tinitiyak nitong sa ikabubuti umano ng kanyang basketball career.

Ayon sa ulat ng Spin, si Sotto ay may alok mula sa Real Madrid, Barcelona, Baskonia sa Spain, Alba Berlin sa Germany at Spanish club Estudiantes.

Imahe mula sa Kai Sotto Facebook account

“Siguro before NBTC or after. Basta this summer, hindi mahirap na mag-decide ako,” ayon kay Sotto.

Tiniyak naman ni Sotto na anuman ang kanyang maging desisyon ay ikokonsulta niya sa kanyang pamilya.

“Yung tatay ko naman, sinasabi naman niya lahat at open siya sa akin. Talagang transparent siya. Kaya ako, more of nagtatanong lang ako sa kanya at umu-oo o hindi lang ako sa kanya. Magde-decide kami siguro ngayong summer,” ani Sotto.

Nagpapasalamat din ang UAAP Season 81 Juniors MVP sa atensyong nakukuha niya ngayon mula sa mga banyagang koponan matapos ang kanyang impressive performance sa Ateneo.

“Syempre wine-welcome ko naman ‘yung mga offers nila para sa akin. Di ko naman ‘yun binabalewala kasi alam ko naman na para sa akin din ‘yun at makakatulong din ‘yun sa akin. Talagang pag-iisipan muna namin nang mabuti kung ano ‘yung magiging decision namin bago kami mag-decide,” ani Sotto.

Sinabi pa nito na ang kanyang pag-unlad bilang manlalaro ang pag-asa niya upang maging unang Pinoy na makapaglaro sa NBA.

“Yung development ko as a player ang pinakaimportante kasi pwede namang hindi ako pumili ng club pero magte-train lang ako sa kanila,” ani Sotto.

“Ang importante lang naman sa akin is mag-improve ako, magpagaling at magpalakas pa lalo dahil ‘yung goal ko talaga is mag-NBA. Gagawin ko ‘yung lahat para makapunta doon.”

Panoorin ang ilang highlights ni Kai Sotto:

Source :

Spin, Spin, You